Tuesday, June 18, 2013

Kim Chiu, Umalis sa Table Hopping Dahil kay Maja

NAGTAPOS ANG isang teleseryeng Ina, Kapatid, Anak nang bonggang-bongga, pero hindi nagkaroon ng bonggang pagbabati sina Maja Salvador at Kim Chiu.

Nu’ng dumating nga raw si Maja para halikan ang isang grupong nasa isang table kung saan nandu’n din si Kim ay agad na umalis ang huli at hindi na bumabad pa sa pagte-table hopping.

Siguro nga, hindi pa time para sila’y magkaayos. Palamig-palamig din ‘pag me time at darating din ang pagkakataong mare-realize din ng dalawa na malalaki na sila para patagalin pa ang kanilang away.
May nagsabi sa amin na very willing si Maja. Kuntodo effort na ito, pero hindi pa yata naghihilom ang sugat ni Kim, kaya hindi na muna raw nagpilit si Maja.

Me nagsabi sa akin, “Saka magbabati ‘yang dalawa ‘pag split na sina Maja at Gerald.”

Hmmmm… malalim.

Kayo na ang bahalang mag-analisa kung ano ang ibig sabihin ng aming kausap.