Friday, October 5, 2012

Lucy Torres Nabuking si Goma Kay Dawn Zulueta

Avid follower ng tambalang Richard Gomez and Dawn Zulueta si Congresswoman Lucy Torres-Gomez. Kaya naman hindi big deal sa magandang pulitiko -TV host ang klissing scene nina Goma at Daw sa isang primetime serye ng Dos.

Natatawa pang kwento ni Lucy sa isang interview and sabi raw sa kanya ng mister ay dalawa lang kissing scenes nito sa ex-gf na si Dawn, pero nang binilang daw nya ay apat pala at bukod pa raw siguro run and mga na-cut na eksenang hindi ipinalabas sa screen.

Pero dahil malaki ang tiwala ni Lucy sa kanyang asawa at maging kay Dawn, dinaan nga lang sa tawa ng magandang kongresista ang nasabing kissing scenes ng dalawa.

Maricel Soriano Nominado Para sa Baldadong Puso

Balik Kapamilya ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Masaya siya dahil muli nanaman niyang makakatrabaho sina Dina Bonnevie at Tonton Gutierrez dahil matagal na raw niyang hindi nakikita ang mga ito.

Nanay role na rin si Maria sa nasabing serye at magiging anak niya si Gerald Anderson.

Nominado ngayon si Maricel sa 26th PMPC Star Awards for TV para sa Best Single Performance by an Actress sa Untold Stories (mula sa Face to Face) para sa episode na Baldadaong Puso.

Toni Gonzaga Bumaliktad Ang Sikmura Kay Vice Ganda

Kulang na lang ay kumulog at kumidlat sa halikan nina Toni Gonzaga at Vice Ganda sa pelikulang This Guy's In Love With u Mare.

Aminado si Toni na bumaligtad ang sikmura nya. Tinanong tuloy sya kung may nanligaw ba sa kanya noon na sa bandang huli ay nadiskubre nyang "mare" pala.

Positive, meron nga! Pero ayaw na nyang bigyan ng name kung sino ang hitad na yun na gusto siyang lasunin at pekein na pareho lang pala ang gusto nila.

Yun na yun!

Monday, October 1, 2012

Paglilinaw sa Isyung Pagbaban sa Makeup Artists at Stylists ni Sarah Geronimo

Kinlaro ni Mr. Vic del Rosario na wala silang ipinapa-ban o pinatatalsik na stylist at make-up artist ni Sarah Geronimo tulad ng naglalabasan ngayon.

Lumalabas sa isang showbiz-oriented magazine na umano'y tinanggal sina Jing Monis at Eric Pe Benito bilang mga makeup artists at stylist ni Sarah. Sinabi sa artikulo na si Mommy Divine daw ang nakialam dahil sa kampihan kay Gerald Anderson. Dahil dito ay maagap itong nilinaw ni Boss Vic.

"Walang ipinapa-ban ang Viva. Even before naman, minsan, iba-iba ang stylist ni Sarah, kapag hindi sila pwede. Walang ganung issue. Lahat sila malaki ang naitulong kay Sarah. Walang rason para sila i-ban o patalsikin, " pahayag ng Big Boss ng Viva Goup of Companies tungkol sa lumabas ng artikulo sa isang showbiz-oriented magazine.

"Baka akala lang nila, hindi na sila kailangan dahil wala na si Jonathan (Aligada, ang nag-resign na staff ng Viva Concert at lumipat sa ABS-CBN). Sila pa rin naman. Walang issue ng pag-baban, " giit ni Mr. del Rosario.

"Malaki ang ginawa nila for Sarah," pag-uulit ni Mr. Del Rosario.

Wala rin daw kinalaman ang nanay ni Sarah (Mommy Divine) sa isyu dahil siya, bilang manager at boss ng Viva, ang nagdedesisyon sa career ng alaga.

"Hindi naman ito personal. Career ito ni Sarah, " dagdag niya.

Pero totoo ang nabalitang magiging stylist na rin ni Sarah si Luz Uy na alaga rin naman ng Viva.