Thursday, November 29, 2012

Aga Muhlach, Gustong-Gusto si Toni Gonzaga

Totoo pala ang sinabi ni Aga Muhlach kay Toni Gonzaga during the PMPC Star Awards for TV Awards night na gusto nyang gumawa ng movie with Toni.

Paulit-ulit daw sinasabi ni Aga ang tungkol dito habang naghohost sila ni Toni nung gabing iyon. Syempre, para kay Toni, isang malaking karangalan ang makasama si Aga sa isang pelikula.

Akala namin ay wala lang iyon kay Aga, subalit last Sunday sa Th Buzz ay on-air na sinabi ni Charlene Gonzales na talagang tuwang tuwa si Aga kay Toni.

"Alam mo, tuwang-tuwa si Aga sa'yo," say ni Charlene kay Toni.

"Sabi sa akin ni Aga when he came home, "Gusto kong gumawa ng movie kasama si Toni Gonzaga." Gustong gusto n'ya talaga si Toni. Okay lang 'yon, kase ako gustong-gusto ko rin si Toni," dagdag pa ni Charlene.

"Winner!" sambit naman ni Toni.

Sinabi rin ni Aga during the Awards Night na wala naman s'yang problema sa Star Cinema at sa ABS-CBN kahit nasa TV5 na s'ya at pede naman daw syang gumawa ulit ng movie sa ilalaim ng nasabing network.

Tuesday, November 27, 2012

Is Georginia Wilson Really Sexier Than KC Concepcion

It's not new for KC Concepcion to show off her sexy body as she has been covered in two popular glossy magazines here in the Philippines. Her mother, the Megastar Sharon Cuneta, and her step father, Senator Francis "Kiko" Pangilinan, are all very supportive of what KC is doing in her career.

"Malaki na si KC, and alam nya na rin yung mga ginagawa nya kung makakabuti sa career nya o hindi," Sharon explained.

Inulan na naman ng intriga si KC Concepcion nang mag-pose ito nang sexy sa isang calendar bilang endorsement ng brand ng alak. Two months preparation pala bago i-shoot ang nasabing calendar. Bago ilabas ang final layout, pina-approve muna ito kina Boss Vic del Rosario at kay KC bago ipa-print. Happy naman ang dalaga sa kinalabasan ng kanyang sexy pictorial.

Meanwhile, a lot of people are comparing the sexy pictorials of KC and Georginia Wilson who is also a model of a liquor brand. May nagsasabing mas sensual at kaakit-akit raw ang katawan ng dyowa ni Borgy Monotoc compared kay KC. Natawa lang ang dalagang anak ng Megastar, “That’s their opinion, I’m not affected because she’s really beautiful and sexy. Nasa tumitingin naman ‘yun, iba-iba tayo ng gusto, ‘di ba?” Say ni KC na napaka-pleasant ng aura nang mga sandaling ‘yun.

Monday, November 26, 2012

Does Gerald Anderson Already Have a Non-Showbiz Girlfriend

Gerald Anderson is so excited for his upcoming movie with Piolo Pascual; and he has explained to us his challenging role in this movie.

Ang role ko dito isa akong preso na magiging professional killer. Si Piolo (Pascual) yung counterpart ko na isa namang NBI agent. Kung anong look ko ngayon yun ang look ko sa movie. Marami kaming preparation—mula sa physical look, costume, sa training, at pati emotionally kailangan ready din kami,” he began.

Apparently, the 22-year-old is more inspired to do character roles that would test his versatility as an actor. In fact, he’s looking forward to experience what it’s like to portray a bad boy this time around. “Oo, iba talagang experience ito. I am very excited kasi iba yung story at iba yung atake na gagawin. Actually, two years ago kinuwento na sa akin ni Piolo (Pascual) ito. Kaya lang hindi natuloy. Tapos around two months ago ibinalik. Sabi ko, ‘Yeah, let’s do this,’ kasi ang ganda ng script.” Gerald added that it won’t interfere with his other work commitments since he will resume taping Bukas Na Lang Kita Mamahalin in January.

How's his love life? Does he already have a non-showbiz girlfriend?

Oo naman [it’s a way of getting over love troubles]. Pero siyempre, kumbaga, ganon talaga buhay e. Kailangan mo gumawa ng paraan para [maka move on], kung heartbroken ka man o may pinagdadaanan ka sa buhay. And being with my friends is my way of staying real e. Yun ang humihila sa akin to keep my feet on the ground. Sobra talaga kaming tight. No I currently do not have a non-showbiz girlfriend."

Gerald also conveyed his message to all his fans who are wondering when he will fall in love again: “Thank you for your concern. Let’s not rush it,” he beamed.

Sunday, November 25, 2012

Richard Gutierrez Wants to Have a Movie with Angel Locsin Again

We have heard a news that there will be a reunion project sina Richard Gutierrez at Angel Locsin. This is not confirmed yet though. According to Ang Latest ng TV5 last Monday, it will be a dream project for both of them if this is true.

We have interviewed Richard about this and here's what he has said. “Maraming fans ang nagre-request, maraming tao ang nagsasabi na dapat gumawa raw kami ni Angel ng movie, I miss working with her. Ako sa akin, basta movie with Angel, any role basta maganda ang script, I’m game to do it.”But Richard sadly admitted that medyo malabo mangayari ito, but it is still possible. Panghihinayang pa niyang pahayag, “I wanna do a movie with her ngayon, kaso mara-ming technicalities and it’s hard. She’s part of ABS-CBN, I’m part of GMA, but hindi naman malayong mangyari ‘yun, kasi syempre nagawa na natin ‘yan before. Hopefully at the right time.”Samantala, looking forward naman si Richard sa unang Pasko nila ng kanyang girlfriend na si Sarah Lahbati. Paano kaya nila ito isi-celebrate ng girlfriend? Isa kaya ulit bakasyon ang gagawin nila gaya ng nakaraang bakasyon nila ni Sarah sa Europe?

Lahad nito, “Sa Pasko ngayon kasi, work mode muna ako. Kasi ‘yung bakasyon, kung ‘yon matagal kong pinaalam, matagal kong binulungan dahil nga mahirap magpaalam nang matagal. Ngayong Pasko, its an intimate celebration kasama ‘yung pamilya ko. Baka rito sa Manila o du’n sa Cebu gawin. Very simple lang ‘yun, traditional Christmas vacation.”

Saturday, November 24, 2012

Movie of Gerald Anderson, Piolo Pascual and Dingdong Dantes Will Not Push Through

Hindi na matutuloy next year and isang pelikula mula sa Star Cinema na pagbibidhan sana nina Gerald Anderson, Piolo Pascual at Dingdong Dantes.

May chika na hindi raw pinayagan ng GMA si Dingdong na mapasama sa movie na ito dahil Star Cineme ang gagawa.

Subalit matunog ang balitang maututloy raw ito, pero sina Piolo at Gerald na lang ang magiging bida.

Napakunot noo tuloy kami sa tanong ng isa naming kasamahan. "Teka, bakit ayaw ng Siyete? Gumaganti ba sila dahil hindi natuloy ay Coco-Marian movie?"

May nakuha kaming chika na gusto raw ng Sieyte na magfocus si Dong sa projects muna sa GMA.

Anyway, sabi naman ng isang taga-Kapamilya na hindi naman daw kawalan si Dingdong sa movie dahil marami raw talents ang Dos na pwedeng ipalit sa prinsipe ng Kapuso.

Friday, November 23, 2012

Hiwa ni KC Concepcion, Bakat Sa Isang Calendar Pose

KC Concepcion was not able to tell to his biological father Gabby Concepcion about ginawa niyang pagpo-pose ng sexy sa isang calendar..

KC is not worrying about her mother Megastar Sharon Cuneta dahil full support ang ibinigay sa kanya at sa stepfather niya na si Senator Kiko Pangilinan.

“I wasn’t  able to talk to my papa (Gabby). But I know in my heart  that he will be happy and he’s always supporting me with my career.

“Si Daddy (Sen. Kiko) naman, walang problema  sa kanya. He’s very supportive as well,” sabi ni KC.

Marami ang nagsasabi na hindi na kelangan ni KC ng ganitong exposure, yung todong pagpapasexy para sa isang liquor brand dahil bka dumagsa ang batikos sa kanya. Subalit ayon kay KC, deadma lang sya sa batikos, and importante masaya sya sa ginagawa nya at full-support and friends at family n'ya.

“I’ve been an endorser for eleven years now. I know kung ano ang makatutulong at hindi makatutulong sa akin. Viva Artist Agency is part of this decision-making and I am proud of doing this,” katuwiran ni KC.

Sabi pa ng dalaga ni Mega, wala naman daw magagalit sa kanyang mga sexy calendar poses dahil single naman siya at malaya niyang magagawa ang gusto niya.

Sa nasabing calendar pose ni KC, may isang pose doon na bumakat  ang “hiwa” ng kanyang private parts.

Pokwang Sasabunutan at Babatukan si Chokoleit

Maligayang maligaya ngayon si Pokwang dahil tinaghal s'ya bilang Best Comedy Actress sa nakaraang 26th Star Awards for TV. Ka-tie n'ya si Rufa Mae Quinto.

Kaibigan ng komedyante si Chokoleit na napapabalitaang nagtatampo sa kanya at nagsalita raw ito na iniwan siya sa ere ng komedyana.

Nakatawang sumagot sa amin si Pokwang sa balitang ito. Huwag daw paniwalaan dahil alam ni Chokoleit ang lahat ng hirap ni Pokwang. Naniniwala rin si Pokwang na masaya ang kanyang kaibigan para sa kanya. "Sasabunutan at babatukan ko yang si Chokoleit," pabirong sagot ni Pokwang.

May bulong-bulongan din na may bagong inspirasyon si Pokwang ngayon. At ito raw ay isang foreigner. Subalit ayon sa koedmyana ay wala war syang love-life ngayon. Masaya na raw sya sa career at focus sa work, pero kung may dumating man daw na pag-ibig ay bonus na ito for her.

Super saya rin ni Pokwang dahil nanalo rin bilang Best Comedy Show ang Toda Max at Best Comedy Actor si Robin Padilla, para kay Pokwang ay napakalaking regalo ng mga natanggap nilang karangalan para sa 1st year anniversary ng Toda Max.

Thursday, November 22, 2012

Gerald Anderson at Janice de Belen, May Relasyon Nga Ba?

Excited na ang Kimgerald fans sa muling pagtatambal nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa bagong movie ng Star Cinema para sa 20th Anniversary nito, ang "24/7." Si Kim ang kaunaunahang love team ni Gerald.

May pag-asa kayang magkabalikan silang dalawa ngayong confirmed na nililigawan ni Xian Lim si Kim?

“Sino ba ang nagko-close talaga ng door? Mahirap yan, paano yan?” Dagdag pa ng binata, “Siyempre hindi naman natin pwedeng basahin yung future kung anong mangyayari.”
Tungkol naman sa Pop Princess Star Cinema, nag-kakausap pa ba ang dalawa kahit sa text man lamang? Totoo bang sila na ni Sarah at tinatago lang nila ito sa public? And how true rin na nag-kausap na sila ni Mommy Divine?
Sabi ko nga sa iyo, paano magiging closed yan e hindi naman natin kayang basahin ang future.” “Hindi na gaano, hindi na masyado.” At kung dati nga ay bukas ang kanilang pag-amin sa pakikipagtextan sa isa’t isa ngayon nga, ayon kay Gerald ay wala nang pagkakataon na sila ay magkausap kahit sa text man lang.“Waley yan. Huwag na yan. Hindi totoo yan, hindi totoo na nakapagusap na kami ng mommy ni Sarah.”

Tungkol naman kay Shaina Magdayao, itinanggi rin ito ng gwapong aktor. “Hindi po, hindi po. Kaibigan lang.”

Hindi rin mapigilan ang ilang katanungang umiikot tungkol sa pagiging malapit nina Gerald at ni Janice de Belen na gumanap na Ina nito sa teleseryeng Budoy. Kamakailan sa birthday celebration ni Janice, marami ang nakapansin na hindi mapaglayo ang dalawa at magkahawak pa ng kamay. Sagot ng binata, “Kami ni Ate Janice? Oo naman, oo naman siyempre nanay ko yun e. Grabe yung suporta na binibigay niya sa akin and vice versa.”

Kahit sa ibang mga okasyong kung saan nandun ang dalawa, sinasabing hindi mapaglayo ang isa’t isa na maaring mabigyan ng kulay ng ibang tao sa showbiz. Ang naging pabirong sagot ni Gerald dito, “Seryoso ba yan? Grabe naman. Seksing-seksi yan para sa akin, nai-inlove na ako, nai-inlove na ako.”

Kaya naman hindi na rin napigilan ng ibang press magtanong kung posible bang ma-in love si Gerald sa babaeng mas malaki ang agwat ng edad sa kanya. At bukas naman ang binata dito, “Like I said hindi natin pwede malaman kung anong mangyayari ‘di ba?

At sa pagkumpirma kung talagang ina lang ang pagtingin ni Gerald sa kaibigang si Janice, “Oo. Tinanong niyo na ba siya tungkol diyan? Naku huwag na nakakahiya. Seryoso? Grabe, nanay ko yan.”

Napag-uusapan na rin lang ang pag-ibig, aminado si Gerald na sa kabila ng mga nangyari sa kanyang personal na buhay ay hindi pa rin ito sumusuko sa pag-ibig. Handa siya ngunit hindi niya ito hinahanap. Aniya, “Lagi naman akong open sa lahat basta tamang timing at kung masaya ako at masaya siya kung sinuman yun.” Dagdag pa niya, “Pero alam mo yun, hindi ko naman hinahanap o alam mo yun, hindi ko naman kailangan hanapin yun.” Inamin din niyang kasama sa kanyang mga dasal ang pagdating ng tamang babae sa kanyang buhay.

Ngunit sa pagkakataong ito kung may pagpipilian di umano si Gerald, mas nanaisin niyang non-showbiz na lang ang kanyang maging karelasyon. “Given a choice sana non-showbiz para alam mo yun maiba naman, tahimik. Pero you’ll never know, you’ll never know, hindi ko pa rin masabi.

Wednesday, November 21, 2012

Lee Min Ho's Preference When it Comes to Girls

Korean Famous actor Lee Min Ho was super happy when he met his Filipino fans last week. Nakilala natin sya sa popular series na Boys Over Flowers and City Hunter. And now, he's one of the faces of one of the most successful local clothing lines in Asia.
According to to the superstar, he's honored to be chosen as a new model for Bench.
But when it comes to girls, Min Ho said being fashionable is not that important to him. “When it comes to fashion, sometimes it could be a woman in a bikini or a woman wearing a simple dress. It really doesn’t matter what she’s wearing, but it comes down to how she projects herself, what is appropriate. It doesn’t necessarily have to be revealing or sexy but confidence is very sexy and attractive,” he explained.

Lee Min Ho admits na metikuloso sya when it comes to his clothes and hairstyle, but his fashion is yet simple. “I don’t take a lot of time when I’m shopping. I’m usually done in about an hour or an hour and a half. I don’t like to think a lot about what I’m going to buy so it’s short and sweet. That’s how I shop,” he said.

When he became an actor? And who is his favorite Hollywood actor?

“I first thought of becoming an actor when I was 19 and luckily I had a chance to try it out but it was around the time I turned 20 that I really decided that acting was for me. It was also around this time that I was deciding on a career path and that’s when it solidified that I was going to become an actor. I like Leonardo Di Caprio as an actor,” he said.

During his free time, what he usually does?

“When I have spare time, I like to play soccer with my friends. I also like to watch movies, but I make sure to do it at a time when there aren’t that many people. I usually like to stay home. I am a homebody,” he said.

The Korean cutie said that after tackling complex characters in his previous projects, he wants a change of pace for his next role. “In the last two dramas that I did, I played two very heavy, dark characters so in my next role I would like to portray somebody who shows a lighter side of me. Someone who is not so uptight and is relaxed. That kind of character would be fun,” he said.

Tuesday, November 20, 2012

Piolo Pascual, May Wish for KC Concepcion

Siyempre alam ni Piolo na bay bagong inpirasyon ngayon ang kanyang beautiful ex-girlfriend na si KC Concepcion.

"I've always wished her well. Wala namang problema sa akin. We wish for happiness. We pray for happiness and peace. So masaya siya, masaya na rin ako."

Mayroon na rin ba isyang bagong inspirasyon?

"Hindi muna. Saka na 'yun."

Nag-promised daw s'ya sa 15-year old son niyang si Inigo, na hindi muna sya mai-inlove at magaasawa until mag-18 years old na ang anak.

"I promised him I'll settle down when he's eighteen. So, hopefully before I am 40. malapit na. Three years. I'll be 38. I want to be able to enjoy, just really live my life to the fullest."
Open ba s;ya na taga-showbiz ang mapapangasawa n'ya?

"Ayoko sana...Ayoko sana. Masaya na ako ngayon. When the time comes, gusto ko sana na hindi taga showbiz", pag-wiwika ni Piolo.

Monday, November 19, 2012

Piolo Pascual, Pinagaagawan Nina Shaina Magdayao at Maja Salvador

Sa isang pambihirang pagkakataon, ay nagbigay ng komento si Piolo Pascual tungkol sa kanyang ex-girfriend niyang si KC Concepcion. Mula noong maghiwalay sila hanggang ngayong pareho na silang naka-move on na ay walang binibitawang masakit na salita ang aktor patungkol dito. Sa katunayan, masaya s'ya nang malaman n'yang maganda ang estado ng lovelife ni KC ngayon."I've always wished her well. Wala namang problema sa akin. I wish for her happiness and pray for her happiness. Basta masaya s'ya, masaya na rin ako."
Maging si Piolo ay hindi rin naman nauubusan ng mga babaeng umaaligid sa kanya. Tulad halimbawa ni Maja Salvador na panay ang post ng picture  na kung hindi magkayakap ay magkaholding hands sila. "My Papa P" pa nga ang tawag sa kanya ng dalaga.

Instant date naman s'ya ni Shaina Magdayao sa nakaraang show ng ASAP sa Singapore. Nanlibre si Piolo sa isang restaurant kasama sina Nikki Gil at Billy Crawford pero sinadyang i-edit out ni Shaina ang mga ito para kunwari ay silang dalawa lang ng hunk actor ang magka-date. Biro pa ni Shaina mas yummy pa si Piolo kaysa mga inorder nilang pagkain noong araw na iyon.

Hindi naman nakapgtataka kung may magakagusto kay Piolo dahil bukod sa gwapo na ay mabait din ito. Ngunit ang binata na mismo ang nagsabi na matatagalan pa bago s'ya magkaroon ng relasyon ulit. Hindi dahil sa natrauma s'ya sa pag-ibig, kundi dahil sa binitiwan n'yang pangako sa anak n'yang si Inigo. "Saka na muna iyon. I promised my son na pag 18 years old na sya. So three more years to go. Kung gusto ko na ulit pumasok sa isang relasyon, sana ay hindi taga-showbiz.

Sunday, November 18, 2012

Angelica Panganiban, Hindi Na Magmamahal ng Iba Pa

Bago umamin si John Lloyd Cruz na sila na nga ni Angelica Panganiban ay meron silang Romance Video na hawak ni Direk Ga (tawag kay Dante Garcia ng mga kaibigan).

Mapapanood sa video sina Angelica, Glaiza de Castro, pinsan ni John Lloyd, at ang aktor mismo kung saan ay nagbobonding sila sa bagong bahay ng aktres. Sa naturang video ay sweet na sweet ang showbiz couple at may eksena pang hinalikan ni Lloydie si Angelica. Una ay sa kamay, then sa lips.

Twice ang halikan nila sa lips sa video kaya sobrang nakakkilig. Obvious na love nila ang isa't-isa. Yung unang halikan ay sa kamay muna ni Angelica humalik si Lloydie, then sa lips. Sa pangalawa, ang dalaga naman ang humalik sa labi ng aktor.

Naging makata rin ang aktor sa naturang video at panay ang titigan ng dalawa.

Mararamdaman sa video kung gaano sila kasaya ngayon.

Angelica: Hindi ko na kayang magmahal ng iba!

John Lloyd: Parang minsan, gusto mong sabihin na, Hello, world! I'm so happy! Kung isipin mo, ano bang pakialam ng mundo sa'yo? You're just another happy soul. You don't have the right to judge. Hello! Excuse me, I'm happy. Are you happy or not? In the end, we're just two happy souls. We're just happy to share the same feelings, so live it, di ba?

Sa kalagitnaan ng video ay nakakakilig din ang usapan ng dalawa.

"Mahal na mahal mo 'ko, mahal na mahal kita," deklara ni Angel.

Bulalas naman ni Lloydie, "Sorry, world, may ganito pa lang feeling," sabay halik sa kamay ng aktres, then sa lips.

Sa bandang huli ng video ay tinanong ng aktor si Angel, "Twenty years down the road, sa makakakita ng video na 'ito, ano ang gusto mong sabihin?"

Masayang sagot ni Angel, "Twenty years down the road, and tanda n'yo na, sana matuto kayo samin, ang saya namin di ba? At saka, ang samahan nyo, ay 'yong best friend nyo, kase best friend ko it, (referring to Lloydie), eh."

Sinabi naman ng aktor, "I hope you found a love like this. I hope at this time. Kasi ewan ko, parang feeling ko this is rare. I hope you, sincerely, find  alove like hers (Angelica).

Nang ikuwento namin sa aktor ang tungkol sa video, ang sinabi nya lang, "Actually, hindi ko po alam kung anong video ang nakita ninyo o napanood. Wala namang masama sa amin. We're good friends with Ga. Sobrang close nilang dalawa. Hindi naman yan ng cacause ng harm or dangers sa amin individually as actors."

"Between barkada lang 'yon at nagkagano'n." Hindi naman isyu."

Narito naman ang awiting nalikha ni Angelica:

Kalaban an ang lahat, iwan ka man ng samahan
Lumayo na ang mundo, ito'y walang kaparis
Walang kapantay sa mundo nating walang sukatan
Sa inakala nating walang tama sa mundong sinungaling
Bumuo tayo ng samahang totoo't nararapat

Chorus:

Ikaw at ako, kasama silang walang panghuhusga
Ikaw at ako, samahang walang maling akala
Ikaw at ako sana nga ang itinadhana
Araw man o buwan o tala nais mamasdan
Lahat nang ito'y ihahayag at kung hindi mag-abot ako'y nariyan

Dapat pa bang maramdaman
Kung di makakatulong 'wag na lang
Salubuingin ang bagong yugto at walang alinlangan
Ikaw at ako sana nga ay itinadhana
Ikaw at ako, ikaw at ako sana nga ang inilathala

Naging madamit ang kahapon kaya bumabawi ang ngayon
May lumbay ang ngayon kaya't may kulay ang ngayon
Walang takot na ibinigay sa maaring lumbay
Ang nararamdamang tunay sa tanging kaugnay






John Lloyd Cruz' Christmas Wish for Angelica Panganiban

33 ang ideal marrying age ni John Lloyd Cruz. Sa tinging niya ba ay wife material si Angelica Panganiban?

"Definitely. Napakaswerte ng lalaking mapapangasawa n'ya,"
walang gatol na sagot ni Lloydie.

Excited ba sya sa first Christmas na kapiling si Angelica?

"Very happy. Sobra, pero mas excited ako para sa kanya dahil first christmas n'ya sa bago n'yang bahay, tapos buo silang pamilya, 'yung kinalikahan 'nya. Uuwi yung mga kapatid n'ya from the States. It's going to be a very big big celebration for Angel."

Ano ang plano nyang iregalo kay Angel ngayong Kapaskuhan?

"Baka Joel Cruz signatures na lang po," pagbibiro n'ya. "Lahat nasa kanya na po, eh!" dagdag ng aktor. "Hindi ko pa po alam. Wala pa po akong naiisip,eh!"

Mas mahal ba sa Mercedes Benz?

"Naku, hayan nanaman tayo. Ayaw kong ipaliwanag yan."

Saan nila planong mag-celebrate ng Christmas?

"Kasi ako, gusto namin masunod yung tradisyon ng family ko na in between Christmas and New Year, umaalis ang buong clan sa father side. E, sya naman nga, nabanggit ko kanina, pauwi naman dito ang kanyang pamilya, hindi ko lang alam kung ano ang mangyayari sa aming dalawa kung magkakasama ba kami. Definitely, yung Christmas mismo magkasama kami."

Ano ang Christmas wish n'ya para kay Angelica?

"Maging masaya s'ya at makasama n'ya yung gusto n'yang makasama...like yung pamilya n'ya."

Ano ang feeling na katrabaho niya ang kanyang ka-relasyon gaya sa pelikulang 24/7?

"Parang hindi na siguro mauulit sa ngayon. Yun ang sinasabi ko na for now. Yun ang pinipili namin for now."

"Hindi rin namin alam na sa susunod, magbago yung desisyon na baka gustuhin namin gumawa in the future. May makita kaming script na magustuhan namin pareho, diba? Especially sa trabaho namin, siya ang dami n'yang kaibigang creative people like Dante Garcia, ako naman ganoon din. So baka, hindi ko masabi. Pero for the moment, talagang hindi yun option," paliwanag ng aktor.

Saturday, November 17, 2012

Wala Raw Rules sa Relasyon Nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban

Nagkasama na pala sa Barcelona at Hong Kong sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban years ago na.

"Napakagaan ng lahat, napakanatural. Napaka-fluid. Kumbaga ay walang hassle," pagsasalarawan ni Lloydie sa relationship nila ni Angelica.

Wala raw rules sa relasyon nila, hindi pinipilit ang mga kaganapan.

"Hindi naman govern by rules ang aming relasyon. It's just that, hindi namin ito pinipilit for the moment because in the future baka magbago ang ihip ng hangin, magbago ang pananaw namin. Yun ang sinasabi kong maganda-- parang anything can happen at hindi nawawala yung potensyal mo in achieving more in becoming more. So, baka kasi part ito noon, hindi mo alam. Hindi ito some kind of rules  na dapt hindi magkatrabaho..."

Ano ang positive influence sa kanya ni Angelica?

"Napakarami. Napakagaan. Sumusunod lang kasi lahat, eh. So, sa ngayon ang masasabi ko lang with no any comparison to my past relationships, alam mo kung may gusto kang gawin o ginugusto na isang bagay, o gusto mong gawin ay hindi magiging hindrance 'yung relasyon. Kumbaga, alam mo na pwede mong maabot yung maxium potential mo bilang indibidwal."

"So, kaso bilang aktor, kung may idinedemand na time to be with my family, o ako na may maisip na pansarili ko, may gusto akong ma-achieve bilang isang indibidwal, gusto ko let's say mag-travel at gusto kong may maisulat na isang libro at kailangan kong mawala ng matagal, parang alam ko na kaya kong gawin."


In short, walang hindi demanding, walang limitasyon at bawal sa pagmamahalan nila ni Angelica?

"Wala," sagot n'ya.

Angelica Panganiban, Gumawa ng Kanta for John Lloyd Cruz

Hindi pa ba happiest yung nagbibigay ng Mercedes Benz at diamond ring sa isang karelasyon?

"Naku, ayan nanaman tayo sa issue na 'yan. Iwasan po natin 'yan. Kasi, baka isipin po ng iba, eh, gano'n tayo kaluwag sa ating pinaghihirapan na pera."

"Huwag po nating pag-usapan 'yan. Kasi nakakhiya naman. Napakalaking pera noon para bitawan na lang ng gano'n,"
simpleng iwas n'ya sa issue.

Ginawan din ni Angelica ng kanta si John Lloyd noong time na nasa Barcelona s'ya at ngayon ay ginamit sa pelikulang Madaling Araw, Mahabang Gabi bilang isa sa mga sound tracks. Si Glaiza de Castro na isa rin sa mga casts ng movie ang naglagay ng musika at kumanta.

Ito 'yong panahong nagsisimula pa lang sila ni Lloydie at hindi maintindihan si Angel ng kanyang mga kaibigan. Yung iba ay pinagdududahan pang ang aktres ang nagloko diumano sa relasyon nila ni Derek Ramsay, na hindi naman totoo. Bakit daw ang bilis n'yang napalitan si Derek?

Alam ba ni John Lloyd Cruz na ginawan s'ya ng kanta ni Angelica?

"Oo naman. First time, first time nating magawan ng kanta. Hayan ang sinasabi ko, eh. Naiilang ako pag pinag-uusapan dahil medyo mahiyain po tayo, ha ha ha! I mean, hindi naman normal na gawan ka ng kanta, eh, di ba?

Friday, November 16, 2012

Pag-ibig ni John Lloyd Cruz Kay Angelica Panganiban, Nindi Masusukat

"It is something na hindi namin ini-expect. Parang bigla na lang na, saan galing to, saan galing iyon? Suddenly, it's magic, But seriously, iyon talaga ang nagyari," panimulang pahayag ni John Lloyd Cruz nang sa wakas ay aminin na nga niyang mag-on na sila ni Angelica Panganiban.

Ginawa ng aktor ang pag-amin sa The Buzz noong October 28. Pagbubuking pa ng kaibigan ni Lloydie at Angelica na si Direk Dante "Nico" Garcia, four months na ang relantionship ng dalawa.

"Wala naman kaming itinatago, wala naman kaming dapat pagtaguan at paglihiman. Hindi naman kami para uniwas sa tanong. Kung may nagtatanong, opo kami po, deklara ng aktor.

Napakaano kasi, eh...Napakarelax lang. Masaya lang. Enjoy lang. Enjoy nyo lang yung moment, say pa nya.

Since day 1, since lumabsa yung mga usap-usapan about us, wala kaming naideny. Wala kaming naconfirmed. At wala kaming dapat ideny, eh.

Kumbaga, what you see is what you get. Nakita kasi somewhere, mag Hong Kong kami, kung saan kami nagpunta...Hindi po kami nagtatago mula noon.

Hindi lang talatag namin na pininipili na pag0usapan yung relasyon openly,
ani'ya.

Ramdan ng sabayanan ang pagmamahalan ngayon nina Lloydie at Angelica. Ito ba ang pinakamasaya niyang relasyon?

Mahirap ding sukatin, hindi ko yatng sukatin yun.

Rocco Nacino, Papa Raw ni Tim Yap

Ang mga bagong hearthribs ng GMA-7 ay mukhang pinagdududahan ang gender. Kasi, nalilink sila sa kapwa actor. Si Enzo Pineda ay nalilink kay Banjamin Alves dahil sila umano ang tinutukoy sa blind item tungkol sa aktor na nakita raw na inamoy ang underwear ng kapwa aktor.

Tinatawanan lang ito ni Enzo  dahil hindi ito totoo at imbento lang ng isang intregero. Pero galit na galit ang girlfriend niyang si Luise de los Reyes sa item na ito.

Si Rocoo Nacino naman ay inililink kay Tim Yap na hindi kapanipaniwala. Kapwa maingat ang dalawa sa kanilang ikinikilos at ayaw nila na maiiskandalo.

Sa palagay namin, marami lang na na-iinsecure kina Enzo at Rocco kaya sila tsinitismis.

Robin Padilla Ayaw Mabuntis si Mariel Rodriguez

Talaga lang sigurong hindi pa pinapalad si Robin Padilla na mabuntis ang kanyang asawa ni si Mariel Roriguez dahil kahit tuwing madaling araw ang bonding nilang dalawa, hindi nila nakakalimutan ang isa't isa.

Tuwing madaling-araw kasi dumadating si Robin sa bahay at yun din ang time ng pag-eensayo niya na sinasabayan naman ni Mariel.

"Yun lang ang oras ng bonding namin," diin ni Robin.

Pero kumpisal ng aktor ayaw daw niyang mabuntis si Mariel dahil baka lumapad ito at hindi na mag-mukhang sexy.

"Masisira and trip ko dahil lagi ko ngang sinasabi sa kanya, "Wow! ang sexy ng asawa ko!" Tapos, tataba?

Kris Bernal Iniiyakan si Aljur Abrenica

Gigil na gigil na talaga ang Kris Bernal-Aljur Abrenica fans ang panggugulo at pagpasok nanaman sa eksena ni Max Collins bilang si Arlene sa teleseryeng Coffee Prince Pinoy version.

Kung kailan pa raw kinikilig na sa tuwa ang mga viewers sa nagsisimulang ligawan at love story nina Andie (Kris Bernal) at Sir Arthur (Aljur Abrenica), saka naman muling eentra at magbabalik ang kulang sa pansin na si Arlene. Awang-awa tuloy ang mga taga-hanga kay Andie na nasasaktan at iniiyakan si Arthur.

Well, dahil sa exciting na ang mga nagaganap na eksena sa Coffee Prince, inilipat ito sa mas maagang timeslot upang pagbigyan ang request ng mga manonood. Mapapanood na ang Coffee Prince pagkatapos ng Aso ni San Roque.

Gladys Reyes at Jaya Hindi Raw Pressure Kay Kris Aquino

Perfect tandem para mag-host ng isang kakaibang mommy show-cum reality sina Gladys Reyes at Jaya. Birubiruan nga ng dalawa nung presscon ng programang Nay-11, para raw sialng kape't gatas kaya't swak na swak sa show.

Maputi si Gladys, morena naman si Jaya. Pareho silang hands-on mom, parehong kalog, madaldal at down-to-earth.

Sa screen test audition pa lang nina Gladys at Jaya, lumutang na ang maganda nilang chemistry. Kaya nagkaisa ang mga pumilina sila na ang pagsamahin to host Nay-11 na nagsimula nang umere last Monday after Unang Hirit.

Mabigat ang katapat na Nay-11 sa Dos na Kris TV. Bigatin din ang mga guests ni Kris Aquino sa kanyang show at magaganda rin ang mga episodes.

Pero say nga nina Gladys at Jaya, ayaw nilang magpa-pressure sa katapat nilang programa. Ang format ng kanilang show ang kanilang panlaban, at maraming mommy issues at problems ang bibigyan nila ng kasagutan.

Open din sila sa problema ng mga kalalakihan. Anything goes ang format ng Nay-11. Go lang nag go sa kanilang hosting job sina Gladys at Jaya at dedma sa ratings o kumpetisyon sa sinuman.

Bongga nga dahil may dance steps silang pauusuhin sa Nay-11!

Regine at Ogie Humingi ng Cash sa 1st Bday ni Nate

Nakakabilib at talagang kapuri-puri ang magandang atensyon ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid noong nagdaos ng unang kaarawan ang kanilang prinsipe na si Nate.

Sa halip na naterial things o laruan, hiniling nila sa kanilang mga invited guests na cash gift na lang ang ibigay at ang malilikom ay idodonate nila sa charity insitutions na nangangailangan ng tulong.

Baby pa lang ang kanilang panganay ay iminumulat na nila ito na mag-share ng kanyang blessings at tumutulong sa less fortunate. Okay ito lalo na sa orphanages, CRIBS Phils o sa mga batang cancer patients mapupunta ang kanilang donasyon.

Sana, magsilbing halimbawa rin ito sa iba pang mg celebrity  kids na sa halip na gumastos ng bonggang bongga sa party, eh mag-donate na lang sa charity.

Infairness naman sa Asia's Songbird, kinarir nya talaga ng husto ang preparasyon sa first birthday ni Baby Nate at hindi nagpa-pressure sa paghahanda sa kanyang 25th year anniversary concert, ang Silver na gaganapin sa MOA The Arena sa mamayang gabi.

Special guests niya ang world-class singer at sikat na sikat na rin ngayon sa Las Vegas na si Lani Misalucha, ganun din si Janno Gibbs, at siyempre, si Ogie Alcasid.

Hindi man nakuha sina Gary B. at Martin Nievera dahil sa conflict sa schedule ay siguradong papatok pa rin ang Silver concert ni Regine!




Thursday, November 15, 2012

Pag-iibigan Nina Andi at Jake Ejercito, Baka Lalong Maginit Pa

Makisawsaw na nga sa Andi Eigenmann, Jake Ejercito, Laarni Enriquez, Jacklyn Jose issue. Talagang naguguluhan kami rito.

Sabi ng isang friend namin na malapit kay ex-Pres Erap, walang problema sa parte nito. Totoo raw sa puso ang tinuran ni Erap na kung saan maligaya ang anak nya, dun sya.

Sabi pa ng informant namin, "In fact, hindi namimili ng mapapangasawa ng anak nya ang ex-president. Hindi sya nakialam nung pakasalan ni Senator Jinggoy Estrada si Precy, lalo na kay Jude. Hindi mga artista ang mga napangasawa ng mga ito at hindi rin naman masasabi na ubod ng yayaman."

Ang nakapangasawa lang naman ng mayaman ay ang ank niyang babae na si Jackie. That's Erap for you.

So, ang problema nya ay na kina Laarni at Jacklyn Jose lang. Pareho kaseng outspoken ang dalawang ina.

Si Laarni ay may concern syempre sa kanyang anak. She pointed out sa write-up na kaya ayaw nyang nagpupunta si Jake sa bahay ni Andi ay dahil sa posibilidad na baka magkabalikan pa sina Andi at Albie Casino.

Pero yung pagbabalik ni Jake from London at pakikipagsundo muli nito kay Andi ay sign din na gusto pa rin nito ang aktres.

Hindi kami naniniwala kay Andi na wala silang relasyon ni Jake. Otherwise, but ipopoint-out ni Laarni na halos di na umuuwi sa kanila si Jake kaya sinabihan niya si Jaclyn na buti pa kaya ay duon na ito tumira kina Andi at sila na ang magpaaral sa binata sa London, na sinagot naman ng ina ni Andi na "Wala kaming pera."

Pero tama rin si Andi sa pagsasabing "bawal" ang kanilang relasyon at nirerespeto nya ang kagustuhan ng ina ni Jake.

So, for the time being ay hindi pa raw uli dumadalaw sa bahay ni Andi si Jake. For how long kaya ito?

At hindi ba alam nina Laarni at Jaclyn na kahit harangin man nila ng sibat ang pag-iibigan nina Andi at Jake ay lulusot at lulusot pa rin ito kung talagang mahal nila ang isat-isa.

Hindi kaya alam ni Laarni na yung pagbabawal niya sa dalawa ay lalong magpainit sa nararamdaman nina Andi at Jake.

Di ba, may kasabihang "Absense makes the heart grow fonder."

Bka in the end, ito rin ang mangyari kina Jake at Andi-- sila rin ang magkatuluyan.

Magulo pero very interesting ang kwento ng pag-iibigan nina Andi at Jake.The only thing is Jake chose to be quiet. Puro mga babae ang nagsasalita. We hope there will be a happy ending for both of them.

Nora Aunor, Hndi Deserving Ang Isang Role

Napanood namin yung isang episode ng Enchanted Garden. There was the appearance of the Superstar Nora Aunor as Reyna ng Eden. Very kind pa rin ang camera kay Nora Aunor. She looked beautiful as the real Queen of the Garden of Eden. At hindi pa rin matatawaran ang kanyang pag-arte. Nangungusap pa rin ang kanyang ga mata.

Marami ang nagsasabing she doesn't deserve such a role. Supporting lang sya kase rito at hindi masyadong challenging o markado ang ginagampanan niyang papel. Considered kaseng International actress na ang Superstar kaya naman makakarinig ka ng mga ganitong comments.

On our part naman, we are still waiting for the time na maririnig namin muli ang kanyang magandang tinig. She started as a singer, and we hope to hear her sing once again.

Wednesday, November 14, 2012

Bella Padilla, Matapang at Palaban

Nung unang tinanggap ni Bella Padilla ang title role sa Magdalena, marami na ang nagprepredict na isa sya sa mga matatawag na sexy among our young stars. But Bea was brave enough to defend herself and describe the character as not sexy, but matapang.

Nung una, nagkarron sya ng apprehension na di nya magagampanan ng buong husay ang character. Ayaw nya ring magakrron na tinatawag na peg.

Kasi kunwari, sasabihin ko na gagayahin ko rito sa Marilyn Monroe. Pag nasa sitwasyon na ako, baka sabihin ko sa sarili ko na baka hindi naman ganito ang gagawin ni Marilyn. So, what I did is follow my instinct.

Kaya sa mga unang eksena, feel naming weak ang character ni Bella as Lena, BUT then she says, wait then I wake up to defend my self, nung naging matapang na ako. Mas palagay ko, magagampanan ko rito ang role ko ng husto.

Mukang makaka-relate si Bella kay Lena na matapang at palaban sa bandang huli. Abangan ito

Gerald Anderson at Piolo Pascual, Maglalaban

Abala na naman ang Philippine Movie Press Club, Inc. dahil sa linggo, Nov. 18, 6 PM ay gaganapin ang 26th PMPC Star Awards for TV sa Ateneo, Henry Lee Irwin Theater, Katipunan Road, Quezon City. Ang telecast ay mapapanood sa Nov. 25 sa Sunday's Best ng ABS-CBN.

Ito ang gabi na maglalaban laban sa Best Drama Actor category sina Coco martin, Dingdong Dantes, Eddie Garcia, Gerald Anderson, Jericho Rosales, Piolo Pascual at Richard Gomez.

Buhay na buhay din ang mga Noranians dahi makikipaglaban ang kanilang idolo na si Nora Aunor sa Best Drama Actress category kina Dawn Zulueta, Helen Gamboa, Janice de Belen, Rochelle Pangilinan, Susan Roces, at Xyriel Manabat.

Matindi rin ang labanan sa Best Single Performance by An Actor nina Arjo Atayde, Gerald Anderson, JM de Guzman, Noni Buencamino, Philip Salvador, Piolo Pascual at Robin Padilla.

Sa Best Single Performance by An Actress naman ay magtutunggali sina Angel Aquino, Brenna Garcia, Gina Pareno, Iza Calsado, Jane Oineza, Maricel Soriano at Sylvia Sanchez.

Hosts sa gabi ng parangal sina Kris Aquino, Toni Gonzaga at Aga Muhlach. May isa pang surprise TV-host actress na mag-hohost.

Ang opening number ay tatampukan nina Angeline Quinto, Erik Santos, Karylle, at Jay-R.

May song number naman si Dawn Zulueta para sa natatanging alagad ng telebisyon awardee na si German Moreno para sa kanyang 50th Anniversary sa showbiz. May production number din si Ai Ai de las Alas.

Finale naman si Ruffa Mae Quinto sa production number na Unity kung saan ay may representative ang bawat giant networks gaya nina Aljur Abrenica at Mark Herras sa GMA-7, John Pratts at Gab Valenciano sa ABS-CBN 2, Rodjun Cruz sa TV 5 kasabay ang ilang komedyante na magpapasayaw sa audience, habang ipinapakita ang VTR of all stations' employees dancing to Gangnam.

Magkakaroon din ng tribute at bibigyan ng Posthumous award ang King of Comedy na si Mang Dolphy. Ang tatanggap ngayong taon ng Ading Fernando Lifetime Achievement award si Ms. Gloria Romero. Ang Excellence in Broadcasting award naman ay si Tina Monzon-Palma.

Pipiliin din sa gabing yun ang pagkakalooban ng special awards gaya ng Celebrity Skin of The Night, Male/Female Sexy Stars of The Night, Male/Female Face of The Night, Male/Female Star of The Night.

Jaya, Nangabuso Raw ng Kasambahay

Sa preskon ng bagong show nina Jaya at Gladys sa GMA-7, ang Nay 1-1 na nagsimula na last Monday after Unang Hirit, naging sentro ng isyu na ang isang dating kasambahay ni Jaya ay nagreklamo na diumano'y inaabuso sya.

"Dyusko day, ka-cheapan," sagot ng singer-TV host.

"Hindi ko nga sya nakasama ng 2 months eh. Alam mo, eto na lang ang sasabihin ko, galing sa agency yan. Kung may nangyari kase, hindi na ako sumagot kung guilty ako.

Ano ba ang nangyari?

"Wala lang yun! Na-hospital sya, ako ang naghatid. Eh, public hospital, wala ka pay. Pero nag pay na ako ng nag pay for the initial medication, food. Ako pa ang nag-grocery, ako pa! So sabi ko paano itong nangyari?"

"Nagtanong na ako sa agency. Nagtanong na ako sa mga taong kilala ko na talagang nakakaalam ng mga patakaran sa public hospital. I spoke with the doctor, I forgot her name, pero wag na natin syang isali sa isyung ito dahil tapos nanaman ito eh."

"But what I am saying is, kung hindi ko pala sila kinausap, in the dark ako. Pwede na akong natsika.! Eh, kasalanan nya/ NagTulfo sya, e tumawag din pala run sa administrative staff, I was cleared!"

"As a matter of fact, now she owes me. Pero okay lang, wala na."

"Nag-report daw sya sa Tulfo na inaabuso ko raw sya," Saan???" sabi pa ni Jaya.

May kasambahay na raw sya ulit ngayon.

"Okay naman so far. Okay naman."

Kris Aquino, Instrumento Sa Paglipat ni Rafael Rosell sa Siyete

Masaya ngayon si Rafael Rosell bilang kapuso. Maayos daw syang nagpaalam sa Kapamilya network at hindi sya nagsisisi sa paglipat.

"Wala, wala pa ring pedeng banggitin yung pangalan ko sa Dos. Wala namang isyu. Nagpaalam naman ako ng maayos kay Ms. Cory Vidanes, nakailang meetings din po kami."

Ang reason na ibingay nya sa Dos sa paglipat nya?

"Yung totoo. Wala naman akong itinatago sa kanya, eh. Sabi ko sa kanya, Miss Cory, I'm looking for change." At sabi nya, "Sige, ano ang pwede kong i-provide para makuha mo yung change na gusto mo?"

"Sabi nya, sinon bang staff ang gusto mo? ganyan ganyan. We'll create the environment."

"Sabi ko, hindi yun Ms. Cory eh. Ang gusto ko lang kasi, paano ko madya-judge ang intensity ng isang network kung hindi ko pa nakikita ang network, db?"


Ang Primetime Queen ng GMA 7 na si Marian Rivera ang katrabaho nya sa Temptation of Wife. Kung walang BF si Marian, posible kaya nya itong ligawan?

"Kung walang Dingdong Dantes at kung walang sinuman, syempre, malaki ang posibilidad sa lahat, di ba" sabay tawa nya.

Si Kris Aquino ang naging instrumento kaya napunta si Rafael kay Popoy. Magkaibigan sina Kris at Popoy.

"Dahil binanggit na sakin dati ni Ms. Kris na, "Popoy is interested in managing you, just in case in the future." ganyan ganyan, so sya ung unang naisip ko at kinontak ko," kwento pa nya.

Sharon Cuneta, Todo Iyak at Pagsisisi

Sa ipinalabas na VTR ni Sharon Cuneta sa "Ang Latest" nung Sabado ng umaga ay diretso syang nagpakita  at nagparamdam ng matindi niyang pagsisisi kung bakit nagawa nyang patulan ang kanyang mga bashers sa Twitter.

Kinatwiranan nya ang kanyang desisyong pumatol, nagbigay sya ng mga dahilan kung bakit kahit sino namang ina ay maapektuhan sa mga paninirang ibinabato sa kanyang anak, pero sa bandalang dulo ng kanyang pahayag ay nandun ang panghihinayang - pagsisisi niya sa panahong iniukol nya sa pakikipag-away sa mga taong hindi nya naman kilala ng personal.

Tama ang opinyon ni Direk Joey Reyes, bakit patulan ng Megastar ang mga taong wala namang maidadagdag at maibabawas sa kanyang buhay, sino ba ang talo sa ganung bakbakan?

Sino ba ang mababawasan ng mahalagang oras, sino ba ang nagngingitngit ang kalooban, sino ba ang mas nahihirapan sa pagdadala ng mga negatibong emosyon laban sa kaninuman?

Sa totoo lang, isandaang porsyento naming sinasang-ayunan ang katotohanang 'yun, dahil hindi naman ang taong pinupukol ng mga pintas at pang-aalipusta ang nawawalan ng kapayapaan ng kalooban kundi ang nambabato ng walang kadahilanan at katwiran.

Sino ba ang hindi napagkakatulog? Sino ba ang hindi na nagiging produktibo? Kaninong oras ba ang nasayang? Kaninong butse ba ang pumuputok?

Ano nga ang kasabihan? Ang galit, kapag hindi na natin maihanap ng katwiran, ay inggit lang ang dahilan.

Nakakainggit nga naman ang isang Sharon Cuneta dahil kahit ilang dekada na syang nagmamayagpag ay nandyan pa rin sya hanggang ngayon, masaya ang pamilya, maganda ang karera at nahihiga sa salapi.

Eh, ang mga taong naninira ng wala namang dahilan, ano kayang buhay meron sila? Siguradong sinisingil sila ng kanilang kunsensya, hindi sila maligaya sa mundo, at higit sa lahat ay kapos na kapos sila sa biyaya kaya ang pinagdidiskitahan nilang bulabugin at pabagsakin ay ang mga taong nagsisikap para madagdagan pa ang kung anumang yaman na meron na sila ngayon.

Right? Or left?