Tuesday, December 4, 2012

Jobert Sucaldito Galit na Galit Kay Lani Misalucha at Asawa Nito

Kinansela ni Jobert Sucaldito ang show na pagsasamahan sana ng kanyang alagang si Prima Diva Billy at Lani Misalucha. Narito ang status update ni Jobert sa kanyang FB account na Sucaldito Jobert:

“medyo haba-haba lang ito pero please read closely. feeling nabastos at natarantado ako ng asawa ni lani misalucha named noli na ito. hindi pala matinong kausap ang mokong na ito. ganito kasi iyon. ang alaga kong si prima diva billy has always idolized lani misalucha who happens to be a good friend of mine.

“pangarap ni prima diva billy na maka-back-to-back ito sa isang show. matagal ko nang nabanggit ito kay lani – mga two years na. umuo naman si lani – wala naman daw problema sa kaniya. since nandito si lani sa bansa ngayon, naglambing sa akin si prima diva billy na kausapin ko na raw at baka puwede na – parang xmas gift ko na raw sa kaniya. siyempre, bilang nanay-nanayan, i got lani’s number from a friend and finally spoke to her over the phone. Okay kay lani ang idea pero kausapin ko raw ang husband niyang si noli for schedules and other details.

“nag-usap kami ni noli and we agreed on the following details: medyo booked daw si lani this december and the only available day lang daw nito ay december 17 pero meron silang gig earlier sa intercon hotel. since ang show naman namin ni prima diva billy ay pam-primetime sa Zirkoh, midnight na kami mag-start – yung standard primetime hour nila. pang-one hour lang na show kumbaga, so, umokay naman itong si noli. ang una kong nilambing sa kaniya ay 5 songs ang kakantahin ni lani dahil back-to-back nga ang concept nakiusap itong si noli na gawin na lang 2 spots and i duet (loving you) with billy. umokay naman ako. nag-usap kami sa honorarium na ibibigay ko – we settled for P50K at pumayag naman siya. ang problema lang daw nila ay wala silang car service that night kaya i offered my car – sabi ko, as early as 9 p.m. ay paiistambayin ko na ang kotse ko sa intercon para maghatid-sundo sa kanila sa december 17 event ko.

“in short, malinaw at super-klaro, di ba? heto na, just tonight, habang kumakain kami nina mama guy (Ms. Nora Aunor), kuya boy palma, albert sunga and israel mateo (my driver) sa lugawan republic, nakatanggap ako ng text message mula kay noli at may tonong nagagalit ito. may nakakita raw kasi ng poster ng show namin – na magba-back-to-back nga sina lani and my talent na si prima diva billy. hindi pa raw alam ni lani ito at bakit ko raw ginawa ito gayong may gig daw sila that night at hindi pa ito sure. pinatatanggal sa akin ang mga posters na iyon. natural, tumaas ang presyon ko, tinawagan ko siya at patalak kong sinabing kinakansela ko na ang december 17 show na ito kung umaarte nga siya ng hindi tama. i texted him kung bakit ganoon siya ka-deal – ang linaw-linaw ‘kako ng usapan namin regarding that show na pumayag sila. sinagot niya ako na malinaw raw ang usapan namin. i texted him back asking him kung anong usapan ang sinasabi niyang malinaw – para magkaintindihan kami. hindi na siya sumagot.

naawa ako sa alaga kong si prima diva billy – umaasa na kasi itong makakasama na niya finally sa show ang idolo niyang si lani misalucha – tinawagan ko si billy to inform her na cancelled na ang show niyang ito sa dec 17 sa zirkoh dahil sa katarantaduhan nitong asawa ni lani. huwag niya akong gaguhin ha. baka masyadong naliliitan itong si noli na ito sa kapasidad ko. tingnan nga natin. akala ko kasi matino siyang kausap – actually, dawit na rito si lani eh – the fact na pumapayag siyang ganituhin ako ng pangit niyang asawa. huwag ako – punyeta – ibang klase akong magalit lalo pa’t alam kong nasa tama ako.

“kung tutuusin ay tapon itong show na ito para sa akin dahil i have a little more than two weeks ang selling time ko pero gagawin ko ito para sa alaga kong si prima diva billy – regalo ko ito sa kaniya this christmas. i apologized to my anak-anakang si billy and promised her na gagawan ko siya ng malaking show with better artists as guests in the next weeks. wala nang lani kasi hindi sila matinong kausap – burado na siya sa consciousness namin. wala tayo sa pyramiding na nakakapanloko tayo ng kapwa, right noli?

“matitino kaming kausap, just to remind you. humanda ka. pagsisisihan mo itong ginawa niyo sa amin. kahit maliit lang kami ay lalabanan namin kayo – tandaan niyo iyan. dawit daw ba si lani sa galit ko? natural! mutual decision naman nila itong nangyaring ito kaya tablahan na ang labanan dito. huwag nila akong gaguhin dahil mas tarantado ako. ang magiging palusot na lang nila tiyak ay wala naman ka-ming kontrata pero nasa batas din iyan – kahit wala kayong pinirmahang kontrata for as long as you’ve agreed verbally, that’s valid. nagsisisi ako kung bakit inidolo ko pa ang retokadang babaeng iyan. forgive me of my language – masarap ding maging palengkera paminsan-minsan, di ba?

“sasampolan ko lang ang mag-asawa ng pagkabastos ko dahil bastos din ako minsan. Ha! Ha! Ha! may krus pa naman ang dila ko – pagsisisihan talaga nila itong ginawa nitong ito sa amin ng alaga ko. mark my word. gaguhan kung gaguhan kung iyon ang gusto nila. sige nga…

Saturday, December 1, 2012

Sunshine Dizon, Magbabalik Na at Lilipat sa Dos

Na-miss talaga ng sobra ng maraming fans ang magaling na Kapuso aktres na si Sunsunshine Dizon. Muling magbabalik si Sunshine sa showbiz kaya't siguradong matutuwa na ang kanyang mga taga-hanga.

May chismis na lilipat na raw sya ng ABS-CBN dahil may mga offers sa kanya ang nasabing network. Ayon sa aming very reliable source, hindi raw po ito truelalu.

Tumatanggap na si Sunshine ng pangilan-ngilang guestings sa Kapuso Network na ang recent nga ay ang pag-pitch-in nito nang one week kay Camille Prats sa show na Mars.

Galtey (matagal) na ring nawala si Sunshine simula nang ipinanganak n'ya ang kanilang 2nd baby na si Antonio.

Hands-on mom daw kasi si Sunshine na mas gustong mag-concentrate muna sa kanyang dalawang babies at sa kanyang family. Bukod pa sa medyo nag-gain ito ng weight kaya naman hanggang guesting lang muna ang kanyang tinatanggap.

Bale by next year daw ay isang bonggang-bonggang comeback ang gagawin ni Sunshine kung saan kinakausap na siya for possible soap at ilang projects para sa Kapuso Network. Kaya naman ang mga haka-hakang lilipat ng ibang TV network si Sunshine ay mukhang malabong mangyari, lalo na ngayong nakikipag-usap na rin ito sa GMA 7 para sa mga proyektong gagawin next year.