Sa ipinalabas na VTR ni Sharon Cuneta sa "Ang Latest" nung Sabado ng
umaga ay diretso syang nagpakita at nagparamdam ng matindi niyang
pagsisisi kung bakit nagawa nyang patulan ang kanyang mga bashers sa Twitter.
Kinatwiranan nya ang kanyang desisyong pumatol, nagbigay sya ng mga dahilan kung bakit kahit sino namang ina ay maapektuhan sa mga paninirang ibinabato sa kanyang anak, pero sa bandalang dulo ng kanyang pahayag ay nandun ang panghihinayang - pagsisisi niya sa panahong iniukol nya sa pakikipag-away sa mga taong hindi nya naman kilala ng personal.
Tama ang opinyon ni Direk Joey Reyes, bakit patulan ng Megastar ang mga taong wala namang maidadagdag at maibabawas sa kanyang buhay, sino ba ang talo sa ganung bakbakan?
Sino ba ang mababawasan ng mahalagang oras, sino ba ang nagngingitngit ang kalooban, sino ba ang mas nahihirapan sa pagdadala ng mga negatibong emosyon laban sa kaninuman?
Sa totoo lang, isandaang porsyento naming sinasang-ayunan ang katotohanang 'yun, dahil hindi naman ang taong pinupukol ng mga pintas at pang-aalipusta ang nawawalan ng kapayapaan ng kalooban kundi ang nambabato ng walang kadahilanan at katwiran.
Sino ba ang hindi napagkakatulog? Sino ba ang hindi na nagiging produktibo? Kaninong oras ba ang nasayang? Kaninong butse ba ang pumuputok?
Ano nga ang kasabihan? Ang galit, kapag hindi na natin maihanap ng katwiran, ay inggit lang ang dahilan.
Nakakainggit nga naman ang isang Sharon Cuneta dahil kahit ilang dekada na syang nagmamayagpag ay nandyan pa rin sya hanggang ngayon, masaya ang pamilya, maganda ang karera at nahihiga sa salapi.
Eh, ang mga taong naninira ng wala namang dahilan, ano kayang buhay meron sila? Siguradong sinisingil sila ng kanilang kunsensya, hindi sila maligaya sa mundo, at higit sa lahat ay kapos na kapos sila sa biyaya kaya ang pinagdidiskitahan nilang bulabugin at pabagsakin ay ang mga taong nagsisikap para madagdagan pa ang kung anumang yaman na meron na sila ngayon.
Right? Or left?

No comments:
Post a Comment