Wednesday, January 30, 2013

Angeline Quinto's ‘Kahit Konting Pagtingin’ Pilot Episode Humataw sa Rating

Angeline Quinto's ‘Kahit Konting Pagtingin’ Pilot Episode Rakes 25.5% TV Ratings
“Kahit Konting Pagtingin” topbilled by Angeline Quinto, Sam Milby and Paulo Avelino triumphs against GMA-7's “Forever” on its pilot episode.

The new ABS-CBN primetime rom-com series raked 25.5% combined Urban and Rural TV ratings while the Heart Evangelista and Geoff Eigenmann's drama series only received a measly 12.0 ratings.


Free Ways to Make Money Online

Top 10 Fruits That Whiten Skin

Here are the Top 5 programs and comparative TV ratings nationwide on January 28, 2013 (Monday) according to Kantar Media:


1. Ina, Kapatid, Anak 34.3
2. Princess and I 32.6
3. TV Patrol 29.3
4. Be Careful With My Heart 28.8
5. Kahit Konting Pagtingin 25.5


Top 10 Sexiest Women in The Philippine Showbiz

Top 10 Most Beautiful Women in The Philippine Showbiz


Willie Revillame at Sharon Cuneta, Nagkasamaan Kaya Talaga ng Loob

A mellow and relaxed Willie Revillame told media on Wednesday that “Wowowillie” has the blessings of Joey de Leon and Sharon Cuneta — two colleagues who might have something to say about his new variety show on TV5, set to debut on Saturday.

Joey, of course, is one of the pillars of “Eat Bulaga”, Philippine television’s noontime champ for over three decades, with whom Willie famously feuded in 2007 when he was still hosting “Wowowee” on ABS-CBN.

Free Ways to Make Money Online

The two have since mended and enriched their friendship, so Joey’s sentiment was one of Willie’s first concerns when TV5 president and CEO Atty. Ray Espinosa first broached the idea of a return to the noontime slot (11:30AM to 2:30PM).

“Nasabi ko naman ‘yun kina Atty. Ray. Ayoko kasi na may masabi rin sa akin sina Joey. Yes, there was a time, nabanggit ko nga, hangga’t maaari hindi kami magsasalubong sa same time slot,” Willie told media at a press conference on Wednesday at his nightclub Wil’s Events Place.

Willie decided he needed to reach out to Joey. He spoke to him two weeks ago shortly after “Wil Time Bigtime” — his second TV5 show in the early evening slot — went off the air.

“I called him up. Out of respeto. Sabi ko sa kanya, I have to tell you, magkakaroon ako ng noontime show. And you know naman Joey, he’s very gentlemanly in every way. Okay naman sa kanya,” he related.

Top 10 Fruits That Whiten Skin

Willie said Joey — who is also a Kapatid because he co-hosts TV5′s Sunday noontime variety show “Game ‘N Go” — even quipped that they’re too old for petty rivalries and, who knows, they might even end up together in one show someday.

Willie had also been exchanging text messages with Sharon, whose talk show “Sharon: Kasama Mo, Kapatid” was terminated recently, paving the way for “Wowowillie” to take over its venue — TV5′s Delta Theater studio on Quezon Avenue.

“Magka-text kami ni Shawie. Wala pa siya ngayon dito, nasa Amerika pa ‘ata pero dapat kasama siya sa almost a hundred stars na guests sa Saturday. Kami, walang sama ng loob sa isa’t isa,” he said.

Willie noted that Sharon’s current negotiations for her own new program are a private matter between her and the TV5 bosses: “Sila ng TV5 ang nag-uusap. Kaya, hindi ko sila puwede panghimasukan.”

Ever since he transferred to TV5 in 2010 and hosted “Willing Willie”, he always found the remote location of its studio in Novaliches to be a liability.


Top 10 Sexiest Women in The Philippine Showbiz

Top 10 Most Beautiful Women in The Philippine Showbiz


“Ang mga matatanda o senior citizens nagbi-biyahe pa ng malayo para lang makapanood ng programa. Jeep-jeep, truck-truck nandiyan sila sa gilid ng studio, dun pa sa TV5. Nagpa-park sila sa SM Novaliches. Nakikita namin ang efforts nila,” he shared.

Needless to say, he is very excited about planting his roots on fresh ground. Willie said TV5 spent over P100 million and his own production company chipped in P35 million to expand and refurbish the theater. The result, he believes, should give the “Wowowillie” studio audience the illusion of being in a Las Vegas theater.

Willie said it was not his but TV5′s idea to return to noontime and go up against “Eat Bulaga” and “It’s Showtime”.

Saturday, January 26, 2013

Toni Gonzaga, Naghahanda Nang Magpakasal

ANO NA ba’ng nangyari kay Toni Gonzaga? Parang “nananahimik” ang kanyang career.
Choice niya bang manahimik at makuntento na lamang sa ASAP 18 at The Buzz o wala lang talagang dumarating pang show na babagay sa kanya?
 
Ba’t kaya hindi na lang muna siya umarte sa teleserye para hindi siya makalimutan at hindi ‘yung every Sunday lang siya napapanood?
 
O, choice lang talaga ni Toni na mag-mellow?
 
Ayaw naman naming isiping pinaghahandaan na niya ang paglagay sa tahimik dahil siya ay ____ na?
Si Luis Manzano, merong everyday Minute to Win it, meron pang Kapamilya Deal Or No Deal at meron pang darating na season ng Pilipinas Got Talent.
 
Si Toni kaya, kelan?

Coco Martin, Malayo Na Ang Narating

‘PAG NAPAPASARAP ng kwento sa harap ng maraming press si Coco Martin ay hindi niya namamalayan na nadadalas din siya ng dayalog ng, “Sabi ko nga.”
 
Biniro ko tuloy ang manager niyang si Mareng Biboy Arboleda sa presscon ng Juan dela Cruz na, “Mare, naka-88 na si Coco sa kasasabi ng, ‘Sabi ko nga.’
 
“Mare, pwede ko na bang itanong sa kanya kung kanino niya talaga sinabi?” Nag-aapiran na lang kami ni Biboy. But ser-iously, super happy kami sa kumpare naming si Coco dahil ang layo na talaga ng kanyang narating.
 
Sa February 4 na ang Juan dela Cruz pagkatapos ng TV Patrol.

Friendship Nina Sarah Geronimo at Maja Salvador, Naapektuhan Nga Ba

SARAH GERONIMO’S performance of Britney Spears’ Womanizer on her show Sarah G Live became a hot topic. After her number, she urged the audience not to fall in love with womanizers. Tinanong din niya ang co-host na si Robi Domingo if he is a cheater. Inaakala tuloy ng marami na ito ay patungkol kay Gerald Anderson na minsang na-link sa kanya. Nag-sorry naman si Sarah noong gabi ring iyon sa kanyang show, “Pasensiya na po at hindi ko po napigilan ang sarili ko. Pasensiya na po.”

Muli siyang humingi ng paumanhin sa mga tao when she renewed her contract with ABS-CBN. “Iyon kasi ang outlet ko talaga, hindi ko po idi-deny iyon. Pero iyon, tapos na. Nag-apologize ako sa closing. Mali, mali po iyong inasal ko.”

“Nawalan lang ako ng kontrol sa emotion ko kasi nadala ako sa audience at sa songs na kinanta ko. Ina-admit ko na personal choice ko po ang mga songs na iyon. Medyo lumagpas lang ako. Pasensiya na.”

Sarah denied that she is still bitter over her failed romance with Gerald who is now being linked with Maja Salvador. Hiningan naman si Sarah ng komento tungkol dito. “Si Maja naging malapit din po sa akin. Basta I wish her true, true love. Totoong pagmamahal. Siyempre every girl deserves true love as in iyong paninindigan talaga.”

Ayaw sagutin ni Sarah ang tanong kung naapektuhan ba ang kanilang pagkakaibigan ni Maja dahil sa isyu but she said na hindi madaling makahanap ng tunay na kaibigan. “Actually kahit hindi sa show business. Bawat isa rito sa mundo mahirap makahanap ng totoong kaibigan. Ang importante, ikaw sa sarili mo ay genuine ang pinapakita mong friendship, ang loyalty mo sa kanya. Kung hindi maibalik sa iyo, well dadaan ka sa disappointment, frustration o galit kung feeling mo ay na-betray ka. Pero everything happens for a reason and you have to trust God kung bakit nangyari ang mga iyon,” paliwanag niya.

Meanwhile, Sarah is busy with her new Star Cinema movie titled It Takes a Man and a Woman opposite John Lloyd Cruz. Ito ang ikatlong pagkakataon na magkasama sila sa pelikula after A Very Special Love at You Changed My Life. Katulad sa mga nauna niyang pelikula ay wala pa ring kissing scene dito si Sarah na inaabangan ng marami. Katwiran niya, “Hindi naman iyon ang papanoorin ng mga tao. Kung mayroon man, iyon ay ang istoryang mayroon kami. Kung ano iyong na-witness nilang love story nina Miggy at Laida.”

Maricel Soriano, Naghihirap Na

NAKALULUNGKOT ISIPIN ang nangyaring pagtataray ni Maricel Soriano kay Gerald Anderson ay dahil hindi raw ito makaarte nang tama kaya nauwi sa pagkatsugi ng Diamond Star sa teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Pati yata ‘yung movie project ni Maria with Gabby Concepcion na Boy, Girl, Bakla, Tomboy ng Star Cinema at Viva Films ay hindi na rin matutuloy na launching movie sana ni John ‘Sweet’ Lapus under the direction of box-office director Wenn Deramas.

Nang huli namin makausap si Direk Wenn (December 31), excited siyang binibida ang movie nila ni Maria. Sa huling text niya this January 2013, bago ang controversial issue nina Ms. Taray Queen at Gerald, huwag raw muna naming i-promote ang movie nila ng veteran actress, tipong hindi pa sigurado. Hindi na kami nagtanong kung bakit? Nag-reply agad kami, ‘okay’. Ngayon lang namin napagtagpi-tagpi ang istorya kung bakit?

Nakatakda pa namang i-shoot ang pelikula nina Maricel, Gabo at John na ang target date – 3rd week of January 2013. Ayon sa aming source, bago nag-set ng meeting si Vic del Rosario kay Madam Charo Santos para sa paglipat ni Maria, kinausap muna nang masinsinan ni Boss Vic ang actress bago magpirmahan ng kontrata ang Viva Films at ABS-CBN. Sinabihan ito na huwag nang magloka-lokahan sa trabaho. Pinangaralan pa raw ang actress na huling baraha na niya ang muling paglipat nito sa Kapamilya Network. Na-ngako naman daw si Maricel na magpapakatino na siya at magpo-focus sa trabaho. Kailangan daw nitong magtrabaho dahil halos naubos na ang saving nito sa bangko dahil ilang taong wala siyang project.

Balita nga namin, naibenta na raw ni Maricel ‘yung condo unit niya sa Rockwell dahil sa dami na dapat bayaran. Pagkatapos ng kontrata niya sa Singko, ilang taon din namang walang trabaho ang magaling na actress. Walang income na pumapasok, puro palabas. So, natural malamang na unti-unti maubos ang iyong kadatungan.

Nang dahil sa pangyayaring ito, may nagsasabi na diumano nagbalik-bisyo na naman si Maricel kaya hindi nito nakontrol ang sarili sa taping. Tipong nawala na naman ito sa sarili, obserbasyon ng nakasaksi ng pangyayari. Lumabas raw ang totoong personality ni Ms. Taray Queen.

Hindi naging epektibo kay Maricel ang paghingi ng sorry ni Gerald, kahit raw nagsusumamo pa raw itong patawarin na siya with tears in his eyes. Sa kahihiyan ng binata (nakamasid daw ang buong production staff sa eksenang ‘yun ni Gerald na akala mo teleserye) nagba-backout na ito sa serye. Natural, hindi kinaya ng actor ang kahihiyang sinapit nito kay Maricel kaya ayaw na niyang mag-taping at makita pa uli si Ms. Soriano.

Kung ang management ng ABS-CBN naki-simpatya kay Gerald is because contract star nila ito. Hindi nila hahayaan maapi o maagrabyado ang kanilang talent kahit isang de-kalibreng actress pa ang makabangga nila. It’s a matter of choice, kung sino ang kakampihan nila. Nanghihinayang kami kung hindi maayos ang gusot sa pagitan nina Maricel at ang network same with Gerald. Sa totoo lang, napa-kaganda pa naman ng istorya ng bagong teleser-yeng pagsasamahan nilang dalawa.

Coco Martin, Ayaw Muna ng Love Life

Sa presscon ni Coco Martin para sa kanyang serye na mapapanood na sa Febraury 4, masaya ito na siya ang first choice ng creative team ng serye.

Ayon kay Coco, representative siya ng lahat ng mga Pilipino. Mahirap man ang kanyang role dahil hindi nakapagpreparang mabuti sa fight scenes niya rito, kung saan minsan ay sumusuko na ang kanyang katawan sa pagod, sobrang proud at saya ni Coco na bukod sa maganda ang istorya ng pagbibidahang serye ay mahuhusay ang mga kasama niya rito gaya nila Albert Martinez, Zsa Zsa Padilla at Gina PareƱo at iba pa.

Sa ngayon, wala pa ring panahon sa lovelife, hindi nagsasarado sa tawag ng pag-ibig pero ang pokus ni Coco ay nasa mga proyekto na ipinagkakatiwala sa kanya ng Kapamilya Network, sa kanyang pamilya at ang pag-ibig para sa kanya ay ‘di minamadali at kusa itong dumarating.

Julia Montes, Nagkulang Nga Ba Kay Enchong Dee

SA PANAYAM namin kay Julia Montes kamakailan, agad naming kinumusta sa kanya kung may komunikasyon pa ba silang dalawa sa ngayon ni Enchong Dee pagkatapos nilang kumpirmahin sa interview nila sa Showbiz Inside Stories na nagdesisyon na ang aktor na ihinto na ang panliligaw sa kanya.

Ayon kay Julia, wala silang komunikasyon sa ngayon ng aktor. Makahulugan ang binitawang salita niya sa amin na ano ang ibibigay niya kung wala naman siyang natatanggap. Nu’ng usisain namin kung ano ang ibig sabihin nito, ipinaliwanag sa amin ni Julia na wala siyang natatanggap na anumang text o ano pa man kung kaya wala siyang maibabalik.

Hiningi rin namin ang reaksyon niya sa obserbasyon ng iba na mukhang si Enchong ang nakitang mas apektado sa kanilang dalawa sa interview nila sa SIR. Ayon kay Julia, matapang lang siya. Hindi naging sila at iba ang naging friendship nila dahil lumalabas sila, sa mismong deskripsyon ni Julia ito ay malabong usapan, malabong estado at malabong pagkakaibigan.

Tinanong din namin sa naging pahayag ni Enchonng na ‘it takes two to tango’ na ang pinatutungkulan ng aktor ay dapat may effort sa parte ng dalawang magkarelasyon at ‘di puwedeng isa lang, sinang-ayunan naman agad ito ng aktres. Dagdag na paliwanag pa ni Julia, kahit gaano mo kamahal ang isang tao o kahit gaano ito kaimportante sa iyo, mapapagod ka sa huli kung alam mong ikaw lang ang nagbibigay. Tinanong namin kundi ba siya nagkulang sa effort, agad kaming sinagot ni Julia na siya pa raw ba. Siniguro niya sa amin na ibinigay niya ang best effort na maibibigay niya at nasa lebel siya na masasabi niyang best effort talaga siya.

Ayon kay Julia, ayaw niyang ipilit ang isang bagay na alam niyang walang kahahantungan. Aminado na hindi puwedeng mawala ang espesyal na damdamin nang agad-agad sa isang tao na naging importante sa kanya, lalo’t sa lahat ng naging kaibigan niya ay napalapit talaga sa loob niya si Enchong.

Klinaro uli sa amin na walang kinalaman sa paghihiwalay nila ni Enchong si Coco Martin na naging kapareha niya sa Walang Hanggan at ngayon naman ay sa launching movie nila na A Moment In Time, nagbigay kasiguraduhan sa amin si Julia na ‘di nanliligaw sa kanya ang kapareha at wala itong ginagawang anumang aksyon na nagpapakita na gusto nitong manligaw sa kanya o maging sila.

Kitang-kita na nagbabawas na ng timbang, bukod sa importante sa kanilang mga artista ang payat ay para rin ito sa preparasyon ng nalalapit niyang debut sa Marso.

Tim Yap, Pinagmumura

UNFAIR AS it seemed, in social circles na kanyang kinabibilangan ay minsan nang binigyan ng kahulugan ang bawat letra sa pangalan ni Tim Yap. Na ang ibig sabihin ay “’Tang Inang Mukha ‘Yan Ang Pangit!”

Of course, Tim is not pangit, although not in the league ng mga nagguguwapuhang celebrities. But, he’s a charming, adorable Chinese mestizo. Puwera pa ang katotohanang he’s “yap-dated” with the latest trends in fashion, travel, technology, business and a whole lot more dahil na rin sa kanyang mga preoccupations.

Lucky for us, we had the chance of working with Tim. With that chance came knowing what lay beneath his public image.

Initially, detached kami kay Tim. Sosyal kasi ang hitad, mukhang mahirap abutin like a heavenly body lightyears away. But the fact na ang sosyalerong celebrity has embraced the nuances and quirks—if not the katsipan—of showbiz, ibig lang sabihin that Tim is himself the Mr. Universe in this non-pageant called local entertainment.

True enough, sa pilot episode ng kanyang midnight show na Tim Yap Show sa GMA na nagsimula nitong Lunes (hanggang Biyernes), Tim had as his first guest ang first runner-up sa Miss Universe na si JanineTogonon.

TYS is a siksik 30-minute show in a time slot when the world is already snoring. Simple lang ang set nito: isang kama na may malambot na kutson which—in between gaps—ay tinatalun-talunan ni Tim and his guest as though such jump translates to quantum leap for the show to earn instant viewership as well as ratings.

For its pilot episode, in fairness, naitawid naman ‘yon ni Tim although he seemed all too dependent on the writers’ effort para mai-deliver niya ang kanyang spiels. For the most part, Tim was unsure of his spiels. Kailangan ding mai-edit nang maayos ang taped episode na ‘yon, halata kasing umere ang dalawang versions ng parehong take!

All in all, Tim’s show is promising, huwag lang sana itong maging musical in its succeeding episodes para maiba naman siya kay Kuya Germs sa Sabado nitong way-past-midnight ding programa.

Thursday, January 24, 2013

Kris Aquino May Bagong Lover

May mga bashers si Kris Aquino na inaakusahan siya na hindi siya mabuting ina sa kanyang mga anak.

May mga pagkakataon na hindi namin gusto ang mga paninindigan ni Kris at hindi kami kumporme. Pero sa isyung ito, we disagree.

Hindi man namin napapasok ang personal na buhay ng Queen of All Media, ang pagmamahal niya sa dalawa niyang mga anak – kay Josh at kay Bimbi ay patunay lang kung gaano sila ka-close na mag-iina.

Tama ang sabi ni Kris sa The Buzz last Sunday, may mga isyu siya sa buhay na hindi kumporme ang iba, pero ang napatunayan niya kung paano niya napalaki nang tama at may mabuting asal ang mga anak niya ay repleksyon lang kung ano siya bilang isang nanay.

Mula nang maghiwalay nila ni Philip Salvador at pinalaki niya si Josh nang mag-isa ay hindi fair para kay Kris na pagbintangan na isang masamang ina. We disagree sa puntong ito.

Ang mga bashers naman kasi sa Twitter, may mai-comment lang aariba na. Kaya nga ang mga opinyonista at mga netizens sa Twitter at Facebook, hanggang komentaryo lang pero wala namang mukha na kayang iharap sa kanilang mga opinion.

Para silang mga multo na lumilitaw lang kung kailan nila gusto.

Kaya nga nagtataka kami sa mga bashers noon nina Sharon Cuneta, Anne Curtis at Regine Velasquez na pinagpapatulan nila na nakapag-iinit lang ng kanilang ulo at nakasisira sa kanilang mga mood.

Sa The Buzz, binanggit ni Kris na may tatlong tao na nagpapakilig sa kanya.

Sa katunayan, binanggit niya na ‘yong isa na nagpapakilig sa kanya ay guest nila kinabukasan (Monday) sa live telecast ng Kris TV.

I’m sure hindi si Sen. Chiz  na romantically linked to Heart Evangelista ang dahilan ng “kilig” moments ni Tetay.

Hindi kaya si Direk Lino Cayetano na minsang na-link na rin kay Bianca Gonzales at KC Concepcion na bunsong anak ni dating Sen. Rene Ca-yetano.

Wednesday, January 23, 2013

Maja Salvador at Kim Chiu Hindi Magkaparehas ng Ugali

NUMBER ONE ngayon sa primetime ang Ina, Kapatid, Anak. Juice ko, sa totoo lang, ‘yung time slot na ‘yon, “gold na gold” talaga ang dating. Dahil aminin, galing sa timeslot na ‘yon ang number one and phenomenal teleserye Walang Hanggan, ‘di ba?

Ang highest rating na alam naming nakuha ng Walang Hanggan noon ay 47% na hopefully, mapantayan o maungusan ng Ina, Kapatid, Anak. Intense na intense na rin ang mga eksena sa IKA. Katunayan, fast-paced na rin ang bawat eksena, tulad ng sa Walang Hanggan.

Honestly, tinututukan na rin namin ito, dahil gustung-gusto namin ‘pag me confrontation scene sina Theresa at Beatrice at sina Margaux at Celine. Isang episode nga, sinabihan ni Margaux si Celine ng, “Boyfriend stealer! Friendship wrecker!”

Na agad naming itinwit, tapos, react to death ang mga followers namin sa twitter. Hahahaha!  Sabi nila, parang kung sa tunay na buhay raw, si Kim ang magsabi no’n kay Maja. Me gano’n?

Hay, nako… sugat pa rin ‘yan ngayon, pero pasasaan ba’t maghihilom din ang sugat na ‘yan. At sana, mabuo uli ang kanilang friendship.

Sa Feb. 4, malalaman na ang isa pang rebelasyon. Na kung babasahin namin ang trailer, parang kambal pala sina Maja Salvador at Kim Chiu. Hindi nga lang sa pag-uugali talaga. Hahahaha!

Maricel Soriano Papalitan ni Dawn Zulueta sa New Soap ni Gerald Anderson

NOONG BIYERNES nakara-ting sa amin ang balitang may nangyari umanong ‘di magandang insidente sa taping ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Ang balitang nakarating sa amin ay parang nasigawan daw ng Diamond Star na si Maricel Soriano si Gerald Anderson sa isang eksena nila, dahil daw hindi ‘ata nagustuhan ng una ang pag-arte ng huli na umabot pa raw sa pagsasabing ‘ikaw ang cause of delay sa taping’.

May tinawagan kaming insider at sinabi nitong hindi na raw talaga babalik sa set si Gerald dahil sa nangyaring ‘professional differences’. Dito na umiikot ang balitang baka ma-shelve ang project.Pero as of Monday, lumabas ang balitang balik-taping si Gerald pero walang balita tungkol kay Maricel. Pero bandang gabi noong Lunes, kinumpirma na ng Channel 2 na out na sa project si Marya at nanatiling kasali pa rin dito si Gerald.

Ayon pa sa statement ng network, “Due to the unfortunate incident between Gerald Anderson and Maricel Soriano on the first taping day of Bukas Na Lang Kita Mamahalin, ABS-CBN management and the management of Maricel Soriano have agreed that Maricel will no longer be part of the cast. The teleserye starring Gerald Anderson will proceed as scheduled.”

Ano ba ang talagang nangyari? Tila parang may ‘news blackout’ sa isyu dahil hindi ito napanood sa news program ng Dos, wala silang ibinalita tungkol sa insidente.

Ayon sa aming source, may mga production crew daw na nagkuwento na may nangyaring hindi maganda nga raw sa taping ng show.

Aniya, “Oo nga raw. Kasi, sa isang eksena raw, ang tagal makuha ni Gerald ang tamang acting. Nakailang takes na eh, ‘di raw talaga tama ang arte ni Gerald kaya medyo nainis na si Maria.”

“Bigla na lang daw sumigaw si Maricel, na parang sinabi nitong ikaw ang cause of delay ng taping.”

“Hindi ko alam if hindi ba maganda ang pagkaarte ni Gerald sa eksena o hindi nagustuhan ni Maricel ang acting nito.”

Sabi pa raw ni Maricel, “Ano ‘to direk? Hindi naman niya nakuha ang tamang pag-arte. Ayan mag-sorry ka sa lahat ng crew dahil ikaw ang cause of delay dito.”

Dito na raw nag-walkout si Maricel pero sinundan naman daw ito ni Gerald. Dagdag pa ng aming source, baka raw mag-sorry si Gerald kaso ‘sinigawan’ pa rin daw ito ng aktres.

Dagdag pa ng source, napaiyak daw si Gerald sa isang tabi matapos ang hindi magandang encounter nila ng Diamond Star.

Ayon naman sa second source namin, ayaw na raw bumalik ni Gerald sa set. Parang ang dating, sobrang napahiya ito sa nangyari.

Ayon naman sa third source, may mga ganu’n nga raw pangyayari at parang ito ang laman ng meeting nila.

As of presstime, wala pang statement ang kampo ni Maricel.

Nakapanghihinayang naman, ang ganda siguro ng role ng Diamond Star dito.

Sani ng aming source, si Dawn Zulueta raw ang ipapalit kay Maricel Soriano.

Sarah Geronimo Nakakaawang Nadulas

 
Ang dami raw nakakita na plakdang-plakda sa pagkakadulas si Sarah who immediately stood up sa backstage ng ASAP. Awang-awa ang mga nakakita sa Pop Star Princess.

Ngayon ay single pa rin si Sarah. Umamin si Bryan Termulo na may pagtingin sya sa dalaga. Muka namang seryoso ang magaling na singer at hindi womanizer tulad ng iba.

Gusto rin kaya siya ni Sarah?

Tuesday, January 22, 2013

Piolo Pascual at Diether Ocampo, Muling Magsasabong

"Beginning February 4 (Monday), ABS-CBN’s most passionate primetime drama series Apoy Sa Dagat will set TV screens on fire as it unravels a compelling story of burning love among four powerful characters namely Serena (Angelica Panganiban), Ruben (Piolo Pascual), Anton (Diether Ocampo), and Rebecca (Angelica Panganiban).

"A riveting tale of a woman named Serena who grew up with no memory about her real identity and why she was swept off an island. With no families to hold on to, Serena finds and forms a special bond with Ruben (Piolo), the fishing village’s roguish champion, whom she will eventually fall in love with.

"Just when everything seems perfect, an unfortunate accident will suddenly test Serena’s love for Ruben. How far will Serena go just to save the life of the only man she loves? What is Anton’s relevance in Serena’s life? And the biggest question is—who is Rebecca and how will she affect the lives of Ruben, Anton and Serena?

"Aside from Angelica, Diether, and Piolo, also part of the cast are Angel Aquino, Aiko Melendez, Sylvia Sanchez, Perla Bautista, Liza Lorena, Freddie Webb, Melai Cantiveros, Eric Fructuoso, Regine Angeles, Bryan Santos, and Mikaila Ramirez; with the special participation of Nikki Gil, Empress, and Patrick Garcia. Apoy sa Dagat is directed by FM Reyes and Nick Olanka.

"Don’t fail to witness how the consuming fire of love can remain burning amid waves of denial, deceit, and despair in ABS-CBN’s newest drama series that will introduce a lovely face with two personalities, Apoy Sa Dagat, starting February 4 (Monday), weeknights on Primetime Bida."

Kris A at Anne Curtis Tinalo si Marian Rivera


"Pilot episode pa lang ng teleseryeng Kailangan Ko'y Ikaw na pinagbibidahan nina Kris Aquino, Anne Curtis at Robin Padilla, namayagpag na agad ito sa ratings game. Patunay dito ang pinakahuling datos ng Kantar Media noong Lunes (Enero 21) kung kailan humataw ang Kailangan Ko'y Ikaw ng 23.6% national TV ratings, o anim na puntos na lamang kumapara sa katapat nitong serye sa GMA na Temptation of Wife na nakakuha lamang ng 17.5%.

"Sa pagsisimula ng kwento nina Roxanne (Kris), Ruth (Anne), at Bogs (Robin), paano pag-uugnayin ng tadhana ang kanilang mga buhay? Magkakasira nga ba ang samahan ng magkapatid na Roxanne at Ruth dahil lamang sa iisang lalaki?"

Napapanood ang Kailangan Ko'y Ikaw, gabi-gabi, 9 pm, pagkatapos ng Ina Kapatid Anak sa Primetime Bida ng ABS-CBN.