NAKALULUNGKOT ISIPIN ang nangyaring pagtataray ni Maricel Soriano kay Gerald Anderson ay dahil hindi raw ito makaarte nang tama kaya nauwi sa pagkatsugi ng Diamond Star sa teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Pati yata ‘yung movie project ni Maria with Gabby Concepcion na Boy, Girl, Bakla, Tomboy ng Star Cinema at Viva Films ay hindi na rin matutuloy na launching movie sana ni John ‘Sweet’ Lapus under the direction of box-office director Wenn Deramas.
Nang huli namin makausap si Direk Wenn (December 31), excited siyang binibida ang movie nila ni Maria. Sa huling text niya this January 2013, bago ang controversial issue nina Ms. Taray Queen at Gerald, huwag raw muna naming i-promote ang movie nila ng veteran actress, tipong hindi pa sigurado. Hindi na kami nagtanong kung bakit? Nag-reply agad kami, ‘okay’. Ngayon lang namin napagtagpi-tagpi ang istorya kung bakit?
Nakatakda pa namang i-shoot ang pelikula nina Maricel, Gabo at John na ang target date – 3rd week of January 2013. Ayon sa aming source, bago nag-set ng meeting si Vic del Rosario kay Madam Charo Santos para sa paglipat ni Maria, kinausap muna nang masinsinan ni Boss Vic ang actress bago magpirmahan ng kontrata ang Viva Films at ABS-CBN. Sinabihan ito na huwag nang magloka-lokahan sa trabaho. Pinangaralan pa raw ang actress na huling baraha na niya ang muling paglipat nito sa Kapamilya Network. Na-ngako naman daw si Maricel na magpapakatino na siya at magpo-focus sa trabaho. Kailangan daw nitong magtrabaho dahil halos naubos na ang saving nito sa bangko dahil ilang taong wala siyang project.
Balita nga namin, naibenta na raw ni Maricel ‘yung condo unit niya sa Rockwell dahil sa dami na dapat bayaran. Pagkatapos ng kontrata niya sa Singko, ilang taon din namang walang trabaho ang magaling na actress. Walang income na pumapasok, puro palabas. So, natural malamang na unti-unti maubos ang iyong kadatungan.
Nang dahil sa pangyayaring ito, may nagsasabi na diumano nagbalik-bisyo na naman si Maricel kaya hindi nito nakontrol ang sarili sa taping. Tipong nawala na naman ito sa sarili, obserbasyon ng nakasaksi ng pangyayari. Lumabas raw ang totoong personality ni Ms. Taray Queen.
Hindi naging epektibo kay Maricel ang paghingi ng sorry ni Gerald, kahit raw nagsusumamo pa raw itong patawarin na siya with tears in his eyes. Sa kahihiyan ng binata (nakamasid daw ang buong production staff sa eksenang ‘yun ni Gerald na akala mo teleserye) nagba-backout na ito sa serye. Natural, hindi kinaya ng actor ang kahihiyang sinapit nito kay Maricel kaya ayaw na niyang mag-taping at makita pa uli si Ms. Soriano.
Kung ang management ng ABS-CBN naki-simpatya kay Gerald is because contract star nila ito. Hindi nila hahayaan maapi o maagrabyado ang kanilang talent kahit isang de-kalibreng actress pa ang makabangga nila. It’s a matter of choice, kung sino ang kakampihan nila. Nanghihinayang kami kung hindi maayos ang gusot sa pagitan nina Maricel at ang network same with Gerald. Sa totoo lang, napa-kaganda pa naman ng istorya ng bagong teleser-yeng pagsasamahan nilang dalawa.

No comments:
Post a Comment