Monday, October 1, 2012

Paglilinaw sa Isyung Pagbaban sa Makeup Artists at Stylists ni Sarah Geronimo

Kinlaro ni Mr. Vic del Rosario na wala silang ipinapa-ban o pinatatalsik na stylist at make-up artist ni Sarah Geronimo tulad ng naglalabasan ngayon.

Lumalabas sa isang showbiz-oriented magazine na umano'y tinanggal sina Jing Monis at Eric Pe Benito bilang mga makeup artists at stylist ni Sarah. Sinabi sa artikulo na si Mommy Divine daw ang nakialam dahil sa kampihan kay Gerald Anderson. Dahil dito ay maagap itong nilinaw ni Boss Vic.

"Walang ipinapa-ban ang Viva. Even before naman, minsan, iba-iba ang stylist ni Sarah, kapag hindi sila pwede. Walang ganung issue. Lahat sila malaki ang naitulong kay Sarah. Walang rason para sila i-ban o patalsikin, " pahayag ng Big Boss ng Viva Goup of Companies tungkol sa lumabas ng artikulo sa isang showbiz-oriented magazine.

"Baka akala lang nila, hindi na sila kailangan dahil wala na si Jonathan (Aligada, ang nag-resign na staff ng Viva Concert at lumipat sa ABS-CBN). Sila pa rin naman. Walang issue ng pag-baban, " giit ni Mr. del Rosario.

"Malaki ang ginawa nila for Sarah," pag-uulit ni Mr. Del Rosario.

Wala rin daw kinalaman ang nanay ni Sarah (Mommy Divine) sa isyu dahil siya, bilang manager at boss ng Viva, ang nagdedesisyon sa career ng alaga.

"Hindi naman ito personal. Career ito ni Sarah, " dagdag niya.

Pero totoo ang nabalitang magiging stylist na rin ni Sarah si Luz Uy na alaga rin naman ng Viva.

No comments:

Post a Comment