Sunday, November 18, 2012

Angelica Panganiban, Hindi Na Magmamahal ng Iba Pa

Bago umamin si John Lloyd Cruz na sila na nga ni Angelica Panganiban ay meron silang Romance Video na hawak ni Direk Ga (tawag kay Dante Garcia ng mga kaibigan).

Mapapanood sa video sina Angelica, Glaiza de Castro, pinsan ni John Lloyd, at ang aktor mismo kung saan ay nagbobonding sila sa bagong bahay ng aktres. Sa naturang video ay sweet na sweet ang showbiz couple at may eksena pang hinalikan ni Lloydie si Angelica. Una ay sa kamay, then sa lips.

Twice ang halikan nila sa lips sa video kaya sobrang nakakkilig. Obvious na love nila ang isa't-isa. Yung unang halikan ay sa kamay muna ni Angelica humalik si Lloydie, then sa lips. Sa pangalawa, ang dalaga naman ang humalik sa labi ng aktor.

Naging makata rin ang aktor sa naturang video at panay ang titigan ng dalawa.

Mararamdaman sa video kung gaano sila kasaya ngayon.

Angelica: Hindi ko na kayang magmahal ng iba!

John Lloyd: Parang minsan, gusto mong sabihin na, Hello, world! I'm so happy! Kung isipin mo, ano bang pakialam ng mundo sa'yo? You're just another happy soul. You don't have the right to judge. Hello! Excuse me, I'm happy. Are you happy or not? In the end, we're just two happy souls. We're just happy to share the same feelings, so live it, di ba?

Sa kalagitnaan ng video ay nakakakilig din ang usapan ng dalawa.

"Mahal na mahal mo 'ko, mahal na mahal kita," deklara ni Angel.

Bulalas naman ni Lloydie, "Sorry, world, may ganito pa lang feeling," sabay halik sa kamay ng aktres, then sa lips.

Sa bandang huli ng video ay tinanong ng aktor si Angel, "Twenty years down the road, sa makakakita ng video na 'ito, ano ang gusto mong sabihin?"

Masayang sagot ni Angel, "Twenty years down the road, and tanda n'yo na, sana matuto kayo samin, ang saya namin di ba? At saka, ang samahan nyo, ay 'yong best friend nyo, kase best friend ko it, (referring to Lloydie), eh."

Sinabi naman ng aktor, "I hope you found a love like this. I hope at this time. Kasi ewan ko, parang feeling ko this is rare. I hope you, sincerely, find  alove like hers (Angelica).

Nang ikuwento namin sa aktor ang tungkol sa video, ang sinabi nya lang, "Actually, hindi ko po alam kung anong video ang nakita ninyo o napanood. Wala namang masama sa amin. We're good friends with Ga. Sobrang close nilang dalawa. Hindi naman yan ng cacause ng harm or dangers sa amin individually as actors."

"Between barkada lang 'yon at nagkagano'n." Hindi naman isyu."

Narito naman ang awiting nalikha ni Angelica:

Kalaban an ang lahat, iwan ka man ng samahan
Lumayo na ang mundo, ito'y walang kaparis
Walang kapantay sa mundo nating walang sukatan
Sa inakala nating walang tama sa mundong sinungaling
Bumuo tayo ng samahang totoo't nararapat

Chorus:

Ikaw at ako, kasama silang walang panghuhusga
Ikaw at ako, samahang walang maling akala
Ikaw at ako sana nga ang itinadhana
Araw man o buwan o tala nais mamasdan
Lahat nang ito'y ihahayag at kung hindi mag-abot ako'y nariyan

Dapat pa bang maramdaman
Kung di makakatulong 'wag na lang
Salubuingin ang bagong yugto at walang alinlangan
Ikaw at ako sana nga ay itinadhana
Ikaw at ako, ikaw at ako sana nga ang inilathala

Naging madamit ang kahapon kaya bumabawi ang ngayon
May lumbay ang ngayon kaya't may kulay ang ngayon
Walang takot na ibinigay sa maaring lumbay
Ang nararamdamang tunay sa tanging kaugnay






No comments:

Post a Comment