Monday, November 19, 2012

Piolo Pascual, Pinagaagawan Nina Shaina Magdayao at Maja Salvador

Sa isang pambihirang pagkakataon, ay nagbigay ng komento si Piolo Pascual tungkol sa kanyang ex-girfriend niyang si KC Concepcion. Mula noong maghiwalay sila hanggang ngayong pareho na silang naka-move on na ay walang binibitawang masakit na salita ang aktor patungkol dito. Sa katunayan, masaya s'ya nang malaman n'yang maganda ang estado ng lovelife ni KC ngayon."I've always wished her well. Wala namang problema sa akin. I wish for her happiness and pray for her happiness. Basta masaya s'ya, masaya na rin ako."
Maging si Piolo ay hindi rin naman nauubusan ng mga babaeng umaaligid sa kanya. Tulad halimbawa ni Maja Salvador na panay ang post ng picture  na kung hindi magkayakap ay magkaholding hands sila. "My Papa P" pa nga ang tawag sa kanya ng dalaga.

Instant date naman s'ya ni Shaina Magdayao sa nakaraang show ng ASAP sa Singapore. Nanlibre si Piolo sa isang restaurant kasama sina Nikki Gil at Billy Crawford pero sinadyang i-edit out ni Shaina ang mga ito para kunwari ay silang dalawa lang ng hunk actor ang magka-date. Biro pa ni Shaina mas yummy pa si Piolo kaysa mga inorder nilang pagkain noong araw na iyon.

Hindi naman nakapgtataka kung may magakagusto kay Piolo dahil bukod sa gwapo na ay mabait din ito. Ngunit ang binata na mismo ang nagsabi na matatagalan pa bago s'ya magkaroon ng relasyon ulit. Hindi dahil sa natrauma s'ya sa pag-ibig, kundi dahil sa binitiwan n'yang pangako sa anak n'yang si Inigo. "Saka na muna iyon. I promised my son na pag 18 years old na sya. So three more years to go. Kung gusto ko na ulit pumasok sa isang relasyon, sana ay hindi taga-showbiz.

No comments:

Post a Comment