Sunday, November 18, 2012

John Lloyd Cruz' Christmas Wish for Angelica Panganiban

33 ang ideal marrying age ni John Lloyd Cruz. Sa tinging niya ba ay wife material si Angelica Panganiban?

"Definitely. Napakaswerte ng lalaking mapapangasawa n'ya,"
walang gatol na sagot ni Lloydie.

Excited ba sya sa first Christmas na kapiling si Angelica?

"Very happy. Sobra, pero mas excited ako para sa kanya dahil first christmas n'ya sa bago n'yang bahay, tapos buo silang pamilya, 'yung kinalikahan 'nya. Uuwi yung mga kapatid n'ya from the States. It's going to be a very big big celebration for Angel."

Ano ang plano nyang iregalo kay Angel ngayong Kapaskuhan?

"Baka Joel Cruz signatures na lang po," pagbibiro n'ya. "Lahat nasa kanya na po, eh!" dagdag ng aktor. "Hindi ko pa po alam. Wala pa po akong naiisip,eh!"

Mas mahal ba sa Mercedes Benz?

"Naku, hayan nanaman tayo. Ayaw kong ipaliwanag yan."

Saan nila planong mag-celebrate ng Christmas?

"Kasi ako, gusto namin masunod yung tradisyon ng family ko na in between Christmas and New Year, umaalis ang buong clan sa father side. E, sya naman nga, nabanggit ko kanina, pauwi naman dito ang kanyang pamilya, hindi ko lang alam kung ano ang mangyayari sa aming dalawa kung magkakasama ba kami. Definitely, yung Christmas mismo magkasama kami."

Ano ang Christmas wish n'ya para kay Angelica?

"Maging masaya s'ya at makasama n'ya yung gusto n'yang makasama...like yung pamilya n'ya."

Ano ang feeling na katrabaho niya ang kanyang ka-relasyon gaya sa pelikulang 24/7?

"Parang hindi na siguro mauulit sa ngayon. Yun ang sinasabi ko na for now. Yun ang pinipili namin for now."

"Hindi rin namin alam na sa susunod, magbago yung desisyon na baka gustuhin namin gumawa in the future. May makita kaming script na magustuhan namin pareho, diba? Especially sa trabaho namin, siya ang dami n'yang kaibigang creative people like Dante Garcia, ako naman ganoon din. So baka, hindi ko masabi. Pero for the moment, talagang hindi yun option," paliwanag ng aktor.

No comments:

Post a Comment