Saturday, November 17, 2012

Angelica Panganiban, Gumawa ng Kanta for John Lloyd Cruz

Hindi pa ba happiest yung nagbibigay ng Mercedes Benz at diamond ring sa isang karelasyon?

"Naku, ayan nanaman tayo sa issue na 'yan. Iwasan po natin 'yan. Kasi, baka isipin po ng iba, eh, gano'n tayo kaluwag sa ating pinaghihirapan na pera."

"Huwag po nating pag-usapan 'yan. Kasi nakakhiya naman. Napakalaking pera noon para bitawan na lang ng gano'n,"
simpleng iwas n'ya sa issue.

Ginawan din ni Angelica ng kanta si John Lloyd noong time na nasa Barcelona s'ya at ngayon ay ginamit sa pelikulang Madaling Araw, Mahabang Gabi bilang isa sa mga sound tracks. Si Glaiza de Castro na isa rin sa mga casts ng movie ang naglagay ng musika at kumanta.

Ito 'yong panahong nagsisimula pa lang sila ni Lloydie at hindi maintindihan si Angel ng kanyang mga kaibigan. Yung iba ay pinagdududahan pang ang aktres ang nagloko diumano sa relasyon nila ni Derek Ramsay, na hindi naman totoo. Bakit daw ang bilis n'yang napalitan si Derek?

Alam ba ni John Lloyd Cruz na ginawan s'ya ng kanta ni Angelica?

"Oo naman. First time, first time nating magawan ng kanta. Hayan ang sinasabi ko, eh. Naiilang ako pag pinag-uusapan dahil medyo mahiyain po tayo, ha ha ha! I mean, hindi naman normal na gawan ka ng kanta, eh, di ba?

No comments:

Post a Comment