Friday, November 23, 2012

Pokwang Sasabunutan at Babatukan si Chokoleit

Maligayang maligaya ngayon si Pokwang dahil tinaghal s'ya bilang Best Comedy Actress sa nakaraang 26th Star Awards for TV. Ka-tie n'ya si Rufa Mae Quinto.

Kaibigan ng komedyante si Chokoleit na napapabalitaang nagtatampo sa kanya at nagsalita raw ito na iniwan siya sa ere ng komedyana.

Nakatawang sumagot sa amin si Pokwang sa balitang ito. Huwag daw paniwalaan dahil alam ni Chokoleit ang lahat ng hirap ni Pokwang. Naniniwala rin si Pokwang na masaya ang kanyang kaibigan para sa kanya. "Sasabunutan at babatukan ko yang si Chokoleit," pabirong sagot ni Pokwang.

May bulong-bulongan din na may bagong inspirasyon si Pokwang ngayon. At ito raw ay isang foreigner. Subalit ayon sa koedmyana ay wala war syang love-life ngayon. Masaya na raw sya sa career at focus sa work, pero kung may dumating man daw na pag-ibig ay bonus na ito for her.

Super saya rin ni Pokwang dahil nanalo rin bilang Best Comedy Show ang Toda Max at Best Comedy Actor si Robin Padilla, para kay Pokwang ay napakalaking regalo ng mga natanggap nilang karangalan para sa 1st year anniversary ng Toda Max.

No comments:

Post a Comment