Thursday, November 29, 2012

Aga Muhlach, Gustong-Gusto si Toni Gonzaga

Totoo pala ang sinabi ni Aga Muhlach kay Toni Gonzaga during the PMPC Star Awards for TV Awards night na gusto nyang gumawa ng movie with Toni.

Paulit-ulit daw sinasabi ni Aga ang tungkol dito habang naghohost sila ni Toni nung gabing iyon. Syempre, para kay Toni, isang malaking karangalan ang makasama si Aga sa isang pelikula.

Akala namin ay wala lang iyon kay Aga, subalit last Sunday sa Th Buzz ay on-air na sinabi ni Charlene Gonzales na talagang tuwang tuwa si Aga kay Toni.

"Alam mo, tuwang-tuwa si Aga sa'yo," say ni Charlene kay Toni.

"Sabi sa akin ni Aga when he came home, "Gusto kong gumawa ng movie kasama si Toni Gonzaga." Gustong gusto n'ya talaga si Toni. Okay lang 'yon, kase ako gustong-gusto ko rin si Toni," dagdag pa ni Charlene.

"Winner!" sambit naman ni Toni.

Sinabi rin ni Aga during the Awards Night na wala naman s'yang problema sa Star Cinema at sa ABS-CBN kahit nasa TV5 na s'ya at pede naman daw syang gumawa ulit ng movie sa ilalaim ng nasabing network.

No comments:

Post a Comment