Saturday, December 1, 2012

Sunshine Dizon, Magbabalik Na at Lilipat sa Dos

Na-miss talaga ng sobra ng maraming fans ang magaling na Kapuso aktres na si Sunsunshine Dizon. Muling magbabalik si Sunshine sa showbiz kaya't siguradong matutuwa na ang kanyang mga taga-hanga.

May chismis na lilipat na raw sya ng ABS-CBN dahil may mga offers sa kanya ang nasabing network. Ayon sa aming very reliable source, hindi raw po ito truelalu.

Tumatanggap na si Sunshine ng pangilan-ngilang guestings sa Kapuso Network na ang recent nga ay ang pag-pitch-in nito nang one week kay Camille Prats sa show na Mars.

Galtey (matagal) na ring nawala si Sunshine simula nang ipinanganak n'ya ang kanilang 2nd baby na si Antonio.

Hands-on mom daw kasi si Sunshine na mas gustong mag-concentrate muna sa kanyang dalawang babies at sa kanyang family. Bukod pa sa medyo nag-gain ito ng weight kaya naman hanggang guesting lang muna ang kanyang tinatanggap.

Bale by next year daw ay isang bonggang-bonggang comeback ang gagawin ni Sunshine kung saan kinakausap na siya for possible soap at ilang projects para sa Kapuso Network. Kaya naman ang mga haka-hakang lilipat ng ibang TV network si Sunshine ay mukhang malabong mangyari, lalo na ngayong nakikipag-usap na rin ito sa GMA 7 para sa mga proyektong gagawin next year.

No comments:

Post a Comment