Friday, November 16, 2012

Kris Bernal Iniiyakan si Aljur Abrenica

Gigil na gigil na talaga ang Kris Bernal-Aljur Abrenica fans ang panggugulo at pagpasok nanaman sa eksena ni Max Collins bilang si Arlene sa teleseryeng Coffee Prince Pinoy version.

Kung kailan pa raw kinikilig na sa tuwa ang mga viewers sa nagsisimulang ligawan at love story nina Andie (Kris Bernal) at Sir Arthur (Aljur Abrenica), saka naman muling eentra at magbabalik ang kulang sa pansin na si Arlene. Awang-awa tuloy ang mga taga-hanga kay Andie na nasasaktan at iniiyakan si Arthur.

Well, dahil sa exciting na ang mga nagaganap na eksena sa Coffee Prince, inilipat ito sa mas maagang timeslot upang pagbigyan ang request ng mga manonood. Mapapanood na ang Coffee Prince pagkatapos ng Aso ni San Roque.

No comments:

Post a Comment