Friday, November 16, 2012

Gladys Reyes at Jaya Hindi Raw Pressure Kay Kris Aquino

Perfect tandem para mag-host ng isang kakaibang mommy show-cum reality sina Gladys Reyes at Jaya. Birubiruan nga ng dalawa nung presscon ng programang Nay-11, para raw sialng kape't gatas kaya't swak na swak sa show.

Maputi si Gladys, morena naman si Jaya. Pareho silang hands-on mom, parehong kalog, madaldal at down-to-earth.

Sa screen test audition pa lang nina Gladys at Jaya, lumutang na ang maganda nilang chemistry. Kaya nagkaisa ang mga pumilina sila na ang pagsamahin to host Nay-11 na nagsimula nang umere last Monday after Unang Hirit.

Mabigat ang katapat na Nay-11 sa Dos na Kris TV. Bigatin din ang mga guests ni Kris Aquino sa kanyang show at magaganda rin ang mga episodes.

Pero say nga nina Gladys at Jaya, ayaw nilang magpa-pressure sa katapat nilang programa. Ang format ng kanilang show ang kanilang panlaban, at maraming mommy issues at problems ang bibigyan nila ng kasagutan.

Open din sila sa problema ng mga kalalakihan. Anything goes ang format ng Nay-11. Go lang nag go sa kanilang hosting job sina Gladys at Jaya at dedma sa ratings o kumpetisyon sa sinuman.

Bongga nga dahil may dance steps silang pauusuhin sa Nay-11!

No comments:

Post a Comment