Friday, November 16, 2012

Regine at Ogie Humingi ng Cash sa 1st Bday ni Nate

Nakakabilib at talagang kapuri-puri ang magandang atensyon ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid noong nagdaos ng unang kaarawan ang kanilang prinsipe na si Nate.

Sa halip na naterial things o laruan, hiniling nila sa kanilang mga invited guests na cash gift na lang ang ibigay at ang malilikom ay idodonate nila sa charity insitutions na nangangailangan ng tulong.

Baby pa lang ang kanilang panganay ay iminumulat na nila ito na mag-share ng kanyang blessings at tumutulong sa less fortunate. Okay ito lalo na sa orphanages, CRIBS Phils o sa mga batang cancer patients mapupunta ang kanilang donasyon.

Sana, magsilbing halimbawa rin ito sa iba pang mg celebrity  kids na sa halip na gumastos ng bonggang bongga sa party, eh mag-donate na lang sa charity.

Infairness naman sa Asia's Songbird, kinarir nya talaga ng husto ang preparasyon sa first birthday ni Baby Nate at hindi nagpa-pressure sa paghahanda sa kanyang 25th year anniversary concert, ang Silver na gaganapin sa MOA The Arena sa mamayang gabi.

Special guests niya ang world-class singer at sikat na sikat na rin ngayon sa Las Vegas na si Lani Misalucha, ganun din si Janno Gibbs, at siyempre, si Ogie Alcasid.

Hindi man nakuha sina Gary B. at Martin Nievera dahil sa conflict sa schedule ay siguradong papatok pa rin ang Silver concert ni Regine!




No comments:

Post a Comment