Saturday, November 17, 2012

Wala Raw Rules sa Relasyon Nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban

Nagkasama na pala sa Barcelona at Hong Kong sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban years ago na.

"Napakagaan ng lahat, napakanatural. Napaka-fluid. Kumbaga ay walang hassle," pagsasalarawan ni Lloydie sa relationship nila ni Angelica.

Wala raw rules sa relasyon nila, hindi pinipilit ang mga kaganapan.

"Hindi naman govern by rules ang aming relasyon. It's just that, hindi namin ito pinipilit for the moment because in the future baka magbago ang ihip ng hangin, magbago ang pananaw namin. Yun ang sinasabi kong maganda-- parang anything can happen at hindi nawawala yung potensyal mo in achieving more in becoming more. So, baka kasi part ito noon, hindi mo alam. Hindi ito some kind of rules  na dapt hindi magkatrabaho..."

Ano ang positive influence sa kanya ni Angelica?

"Napakarami. Napakagaan. Sumusunod lang kasi lahat, eh. So, sa ngayon ang masasabi ko lang with no any comparison to my past relationships, alam mo kung may gusto kang gawin o ginugusto na isang bagay, o gusto mong gawin ay hindi magiging hindrance 'yung relasyon. Kumbaga, alam mo na pwede mong maabot yung maxium potential mo bilang indibidwal."

"So, kaso bilang aktor, kung may idinedemand na time to be with my family, o ako na may maisip na pansarili ko, may gusto akong ma-achieve bilang isang indibidwal, gusto ko let's say mag-travel at gusto kong may maisulat na isang libro at kailangan kong mawala ng matagal, parang alam ko na kaya kong gawin."


In short, walang hindi demanding, walang limitasyon at bawal sa pagmamahalan nila ni Angelica?

"Wala," sagot n'ya.

No comments:

Post a Comment