Thursday, November 22, 2012

Gerald Anderson at Janice de Belen, May Relasyon Nga Ba?

Excited na ang Kimgerald fans sa muling pagtatambal nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa bagong movie ng Star Cinema para sa 20th Anniversary nito, ang "24/7." Si Kim ang kaunaunahang love team ni Gerald.

May pag-asa kayang magkabalikan silang dalawa ngayong confirmed na nililigawan ni Xian Lim si Kim?

“Sino ba ang nagko-close talaga ng door? Mahirap yan, paano yan?” Dagdag pa ng binata, “Siyempre hindi naman natin pwedeng basahin yung future kung anong mangyayari.”
Tungkol naman sa Pop Princess Star Cinema, nag-kakausap pa ba ang dalawa kahit sa text man lamang? Totoo bang sila na ni Sarah at tinatago lang nila ito sa public? And how true rin na nag-kausap na sila ni Mommy Divine?
Sabi ko nga sa iyo, paano magiging closed yan e hindi naman natin kayang basahin ang future.” “Hindi na gaano, hindi na masyado.” At kung dati nga ay bukas ang kanilang pag-amin sa pakikipagtextan sa isa’t isa ngayon nga, ayon kay Gerald ay wala nang pagkakataon na sila ay magkausap kahit sa text man lang.“Waley yan. Huwag na yan. Hindi totoo yan, hindi totoo na nakapagusap na kami ng mommy ni Sarah.”

Tungkol naman kay Shaina Magdayao, itinanggi rin ito ng gwapong aktor. “Hindi po, hindi po. Kaibigan lang.”

Hindi rin mapigilan ang ilang katanungang umiikot tungkol sa pagiging malapit nina Gerald at ni Janice de Belen na gumanap na Ina nito sa teleseryeng Budoy. Kamakailan sa birthday celebration ni Janice, marami ang nakapansin na hindi mapaglayo ang dalawa at magkahawak pa ng kamay. Sagot ng binata, “Kami ni Ate Janice? Oo naman, oo naman siyempre nanay ko yun e. Grabe yung suporta na binibigay niya sa akin and vice versa.”

Kahit sa ibang mga okasyong kung saan nandun ang dalawa, sinasabing hindi mapaglayo ang isa’t isa na maaring mabigyan ng kulay ng ibang tao sa showbiz. Ang naging pabirong sagot ni Gerald dito, “Seryoso ba yan? Grabe naman. Seksing-seksi yan para sa akin, nai-inlove na ako, nai-inlove na ako.”

Kaya naman hindi na rin napigilan ng ibang press magtanong kung posible bang ma-in love si Gerald sa babaeng mas malaki ang agwat ng edad sa kanya. At bukas naman ang binata dito, “Like I said hindi natin pwede malaman kung anong mangyayari ‘di ba?

At sa pagkumpirma kung talagang ina lang ang pagtingin ni Gerald sa kaibigang si Janice, “Oo. Tinanong niyo na ba siya tungkol diyan? Naku huwag na nakakahiya. Seryoso? Grabe, nanay ko yan.”

Napag-uusapan na rin lang ang pag-ibig, aminado si Gerald na sa kabila ng mga nangyari sa kanyang personal na buhay ay hindi pa rin ito sumusuko sa pag-ibig. Handa siya ngunit hindi niya ito hinahanap. Aniya, “Lagi naman akong open sa lahat basta tamang timing at kung masaya ako at masaya siya kung sinuman yun.” Dagdag pa niya, “Pero alam mo yun, hindi ko naman hinahanap o alam mo yun, hindi ko naman kailangan hanapin yun.” Inamin din niyang kasama sa kanyang mga dasal ang pagdating ng tamang babae sa kanyang buhay.

Ngunit sa pagkakataong ito kung may pagpipilian di umano si Gerald, mas nanaisin niyang non-showbiz na lang ang kanyang maging karelasyon. “Given a choice sana non-showbiz para alam mo yun maiba naman, tahimik. Pero you’ll never know, you’ll never know, hindi ko pa rin masabi.

No comments:

Post a Comment