Wednesday, November 14, 2012

Kris Aquino, Instrumento Sa Paglipat ni Rafael Rosell sa Siyete

Masaya ngayon si Rafael Rosell bilang kapuso. Maayos daw syang nagpaalam sa Kapamilya network at hindi sya nagsisisi sa paglipat.

"Wala, wala pa ring pedeng banggitin yung pangalan ko sa Dos. Wala namang isyu. Nagpaalam naman ako ng maayos kay Ms. Cory Vidanes, nakailang meetings din po kami."

Ang reason na ibingay nya sa Dos sa paglipat nya?

"Yung totoo. Wala naman akong itinatago sa kanya, eh. Sabi ko sa kanya, Miss Cory, I'm looking for change." At sabi nya, "Sige, ano ang pwede kong i-provide para makuha mo yung change na gusto mo?"

"Sabi nya, sinon bang staff ang gusto mo? ganyan ganyan. We'll create the environment."

"Sabi ko, hindi yun Ms. Cory eh. Ang gusto ko lang kasi, paano ko madya-judge ang intensity ng isang network kung hindi ko pa nakikita ang network, db?"


Ang Primetime Queen ng GMA 7 na si Marian Rivera ang katrabaho nya sa Temptation of Wife. Kung walang BF si Marian, posible kaya nya itong ligawan?

"Kung walang Dingdong Dantes at kung walang sinuman, syempre, malaki ang posibilidad sa lahat, di ba" sabay tawa nya.

Si Kris Aquino ang naging instrumento kaya napunta si Rafael kay Popoy. Magkaibigan sina Kris at Popoy.

"Dahil binanggit na sakin dati ni Ms. Kris na, "Popoy is interested in managing you, just in case in the future." ganyan ganyan, so sya ung unang naisip ko at kinontak ko," kwento pa nya.

No comments:

Post a Comment