Friday, September 28, 2012

Justin Inakusahang Gustong Patayin si Angeline Quinto

Makikigulo sa Kapamilya Show na Toda Max si Angeline Quinto sa Sabado (September 29). Tuwang-tuwa sina Isabel (Angel Locsin), Joy (Cristine Reyes), at Myrtle (Myrtle Sarosa) dahil sa kanilang lugar kukuhanan ang latest music video ni Angeline.

Nang bumisita ang sikat na singer sa kanilang lugar kasama ang kanyang manager na si Mamu (Ogie Diaz) para mag-ocular inspection, hindi sinasadyang matatamaan ni Justin (Vhong Navarro) ng kawali sa mukha ni Angeline. Magwawala si Mamu at aakusahan si Justin na gusto nyang patayin ang dalaga. Upang mapatunayan ni hindi ito sinasadya ng pinsan, papayag si Tol (Robin Padilla) na maging bodyguard ni Angeline.

Mapatunayan kaya ni Justin na hindi nya talaga ito sinasadya at hindi gustong patayin si Angeline at gawa-gawa lamang ni Mamu ang isyu?

Abangan ang kapana-panabik na episode ng Toda Max ngayong Sabado (September 29) pagkatapos ng X-Factor Philippines sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment