Friday, September 28, 2012

Vicki Belo, Mahal Pa Rin si Hayden Kho

Wala si Jennylyn Mercado sa presscon ng Belo Medical Group kung saan ay kasama niya sina Phoemela Baranda at Grace Lee para pag-usapan and Belo beauty issues.

Umiiwas ba si Jen sa press dahil sa isyu sa kanila ni Pao?

Sabi ng manager nyang si Tita Becky Aguila ay nasa shoot daw ito.

Tatalakayin sana si Jennylyn kung ano ang kaibahan ng Belo IV Glutathione. Si Grace Lee ay ini-reveal and beauty issues at smart lipo arms, samantalang si Phoem ay tungko sa breast augmentation.

After ng presscon ay tinanong si Grace Lee tungko kay P-Noy, pero ayaw na raw nyang magsalita about sa presidente. Basta nilinaw lang nya na wala syang boyfriend ngayon. Loveless daw sya.

Si Dra. Vicki Belo ay tinanong din tungkol sa kanyang lovelife. Gusto raw nya ay older. Puro bagets daw kase ang nanliligaw sa kanya.

Okey na raw sila ni Hayden Kho, friends at nag-uusap, pero hanggang doon na lang.

"Mahal ko pa rin "yun kahit papaano," deklara nya.

Talbog!

No comments:

Post a Comment